Meryll Soriano, masayang ibinahagi ang kanilang naging selebrasyon ng kaarawan ni Joem Bascon

Matatandaang ginulat ng dating magaling na aktres na si Meryll Soriano ang mga netizens at taga-hanga nito nang ibahagi niya sa publiko ang magandang balita na nagka-balikan sila ng kanyang dating boyfriend na si Joem Bascon.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sino nga bang mag-aakala na magkakabalikan pa ang mga ito at magkakaroon ng second chance ang kanilang pagmamahalan mula nang mag-hiw@lay ang dalawa noong 2010? Kaya naman hindi na nakakapag-takang maraming nagulat sa balitang kanilang ibinahagi noong New Year’s Eve sa Instagram account ni Meryll.

Credit: Meryll Soriano instagram

Ngunit hindi lamang pala ang pagbabalikan ng dalawa ang balitang ibinahagi ng mga ito, kung hindi pati na rin ang pagsilang ng kanilang first baby together na ipinangalanan nila bilang Baby Gido.
Simula noon ay unti-unti nang binubuksan ni Meryll sa publiko ang kanyang buhay kasama ang dalawang anak na lalaki at kasama ang kanyang boyfriend na si Joem.

Credit: Meryll Soriano instagram

Mapapansin na madalas itong magpost ng mga cute na cute na letrato ni Baby Gido na unit-unti na ring lumalaki sa paglipas ng panahon. Makikita rin na madalas din itong magbahagi ng mga family picture nila nina Joem at kanyang mga anak. Hindi na rin lingid sa isipan ng mga netizens na mayroong panganay na anak si Meryll, ito ay 13 taong gulang na at mayroong napaka-gandang relasyon kay Joem.

Credit: Meryll Soriano instagram

Kaya naman masasabing isa si Meryll sa mga kilalang personalidad na masayang-masaya sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya ngayon.
Sa latest post nito sa kanyang Instagram account ay nagbahagi muli ito ng family picture nila ng kanyang pamilya upang batiin si Joem sa kaarawan nito.

Credit: Meryll Soriano instagram

“Happy birthday, Mahal! Happy birthday, My OG Boo! Surrounded by good men. Surrounded by love. Me and this little hooman are lucky.” Saad nito sa kanyang caption.
Makikita sa letrato ang napaka-gandang family picture nina Joem, Meryll at Baby Gido habang naka-suot pa ng matching white polo at cream slacks ang mag-ina at halatang-halata na masayang-masaya ang mga ito base sa mga matatamis na ngiting ipinakita ng mga ito.

Credit: Meryll Soriano instagram

Sa sumunod na letrato naman ay kasama na nina Meryll at Joem sa letrato ang panganay na anak ni Meryll na si Elijah habang naka-wacky poses pa ang buong pamilya. Talaga naman masasabing mayroong magagandang relasyon ang mga ito at close na close si Elijah sa aktor. Kaya naman sobrang swerte ni Meryll na mayroong tatlong lalaki na nagmamahal sa kanya ng husto.

Credit: Meryll Soriano instagram

The post Meryll Soriano, masayang ibinahagi ang kanilang naging selebrasyon ng kaarawan ni Joem Bascon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments