Carmina Villaroel, nakatanggap ng sweet at nakakatouch na birthday greeting sa kaibigan nyang si Nikki Valdez

Nitong buwan ng August, nagdiwang ng kaaarawan ang isang beteranong aktres na si Carmina Villaroel Legaspi kung saan nakatanggap siya ng mga greetings sa mga netizens, pamilya, pati na rin mga katrabaho at kaibigan sa industriya ng Showbiz.

Credit: mina_villaroel instagram

Isa sa mga showbiz personality na bumati sa kanya ay ang aktres na si Nikki Valdez. Pinarating ng beteranong aktres ang kanyang greeting sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: mina_villaroel instagram

“Some time, not too long ago (mga 11 years ago lang… Hahahaha!),” ang panimula ni Nikki sa kanyang greeting post para kay Carmina. Ang picture na makikita sa nasabing post ay ang captured moment ng dalawa na nakuhanan 11 years ago.

Credit: mina_villaroel instagram

“our paths crossed unexpectedly and just instantly formed a friendship unknown to many. ☺” dagdag pa nito.

Credit: Nikki Valdez instagram

Biglaan lamang umanong nabuo ang wholesome friendship ng dalawa. Hindi gaanong alam ng iba ang friendship na ito dahil bihira lang sila magkaroon ng interaction ngunit isang maganda at matatag na pagkakaibigan ang nabuo ng dalawa.

Credit: mina_villaroel instagram

Mapapatunayan naman sa picture na ibinahagi ni Nikki ang closeness nila. Makikitang magkalapit ang dalawa at nakayakap pa si Carmina kay Nikki.
“Happy Birthday, ate Mins!!!! @mina_villarroel 💕💕💕 I wish you all the best today and always. I love you! 💖” ang pagtatapos naman ng aktres sa kanyang greeting para kay Mina.

Binati niya ito at ipinarating ang kanyang wish para sa kaibigan. Hindi niya rin nakalimutang ipahiwatig ang pagmamahal niya para sa kanya.
Hindi lamang kaibigan ang nahanap ng dalawa sa isa’t isa kundi pati na rin isang kapatid.
Anim na taon ang agwat ng magkaibigan pagdating sa edad kaya naman tinawag ni Nikki ng “ate Mins”

Credit: Nikki Valdez instagram

si Carmina sa kanyang Instagram post. Si Nikki Valdez ay kasalukuyang 40 years old habang nag 46 years old naman si Carmina Villaroel Legaspi kailan lamang. Mababasa naman sa comment section ang reply ni Carmina.

Credit: Nikki Valdez instagram

“Thank you dear @nikkivaldez_ I love your cake. Miss and love you too 💙” ang sabi niya sa kanyang reply. Tila hindi lang greeting ang ipinahatid ni Nikki para sa birthday ni Carmina. Siya ay nagpadala rin ng cake na nagustuhan naman ng birthday celebrant.

Credit: Nikki Valdez instagram

Noong August 17 nang i-celebrate ni Carmina ang kanyang 46th birthday.

The post Carmina Villaroel, nakatanggap ng sweet at nakakatouch na birthday greeting sa kaibigan nyang si Nikki Valdez appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments