Tingnan ang nakakatuwang outfit ni Baby Ziggy para sa buwan ng wika, na nagbigay aliw sa mga fans

Tuwing buwan ng Agosto, isa sa ating pinagdiriwang ay ang Buwan ng Wika. Ito ang buwan na kung saan tayo ay nagdiriwang sa halaga ng kultura at ng wika. Kaya naman, bawat isa lalo na ang mga eskwelahan at institusyon ay nakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng Wikang Pambansa.

Credit: @marianrivera instagram

Maging mga celebrities ay nakiiisa din gaya na lamang ng celebrity mom na si Marian Rivera. Makikita kasi sa IG at social media ni Marian na binihisan niya si Baby Ziggy ng Pinoy na Pinoy na outfit.
Suot ang puting kamiseta at mayroon pa itong pulang dambana. Di ba’t napakacute talaga ni Baby Ziggy?

Credit: @marianrivera instagram

Lahat nga naman ay tuwang tuwa sa kanyang bubbly face at charm sa kanyang mukha. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang Katipunero outfit na kinagiliwan ng lahat ng mga netizens.
Nakakatuwa na habang bata ay itinuturo ng kanyang mga magulang ang halaga ng wika at ng kulturang Pinoy.

Credit: @marianrivera instagram

Bilang isang magulang, kasama nga naman sa responsibilidad nila na turuan ang mga anak sa iba’t ibang mga bagay tungkol sa kulturang Pilipino. Maraming netizens ang tuwang tuwa sa napakacute na si Baby Ziggy. Habang bata pa lang si Baby Ziggy maging ang kanyang ateng si Baby Zia ay natuturuan na sila ni Mommy Marian ng pagiging makabayan.

Credit: @marianrivera instagram

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na tuwang tuwa kay Baby Ziggy:
“nkkatuwa n sa murang.gulang.pnpa alala ng magulang ang Buwan ng Wika..kht di p nia gnun kaunwa…”

Credit: @marianrivera instagram

“So handsome..look alike my nephew Vince when hes a baby”
“Cute din ako nung bata eh pinagtataka ko lang di ko na maalala yun…..hehe”

Credit: @marianrivera instagram

“Handsome Ziggy❤❤
“Combi talaga nila DongYan…sooo pogi ka, Baby Ziggy…”

The post Tingnan ang nakakatuwang outfit ni Baby Ziggy para sa buwan ng wika, na nagbigay aliw sa mga fans appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments