Sofia Andres, masayang nagdiwang ng kanyang ika-23 taong kaarawan

Nitong buwan lamang ng August nang ipagdiwang ng kilalang personalidad sa Industriya ng showbiz ang kanyang 23rd birthday. Sa Instagram post ni Sofia Andres ay makikitang idinaos niya ang kanyang 23rd birthday celebration sa pamamagitan ng pag dress up niya at pagkakaroon ng cake na isang tradisyon tuwing birthday ng isang indibidwal.

Credit: @iamsofiaandres

Si Sofia ay nakilala noon sa kanyang kikay look at mga kikay outfits. Kaya naman laking gulat ng mga netizens sa nasabing post kung saan makikita ang pagbabago sa awra ng aktres. From kikay look to b0ld look.

Credit: @iamsofiaandres

Mapapansin sa picture na ang natural hair ni Sofia ay pansamantalang pinalitan o pinatungan muna ng isang blonde bob wig. Kitang kita naman na bagay sa aktres ang ganitong look. Lalong nangibabaw ang kanyang kagandahan.

Credit: @iamsofiaandres

Hindi rin maaaring hindi mapansin ang hashtag Outfit of the Day ni Sofia para sa kanyang celebration.
Walang duda naman na paboritong signature brand ng aktres ay Louis Vuitton dahil masasaksihan sa picture ang suot niya mula taas hanggang sa baba ay ganon ang brand.
Para sa kanyang pantaas, may suot siyang isang classy white blouse na may petal-shaped sleeves at keyhole cut out habang ang pang ibaba niya naman ay isang laidback monogram trousers.

Credit: @iamsofiaandres

Ang suot niyang Louis Vuitton Frill Blouse ay nagkakahalagang mahigit-kumulang 61,851 pesos habang ang kanyang Stencil-Effect Monogram Jogging Trousers, ay nagkakahalaga ng 72,4018 pesos.
Sa isa niya pang picture ay mapapansin rin ang kanyang mamahaling bag. Ito ay ang Onthego tote from Louis Vuitton’s Wild at Heart collection na may halagang 250, 576 pesos.

Credit: @iamsofiaandres

Kung ito-total naman ang blouse, pants, at bag ni Sofia para sa kanyang look ay humigit-kumulang itong 388,000 pesos.

Credit: @iamsofiaandres

Ngunit hindi lamang mga iyon ang makikitang Louis Vuitton sa pictures dahil ang cake rin niya ay Louis Vuitton – inspired. Ipina-customize niya ito sa Amberlyn’s x Cakes sa halagang 3,000.
Si Sofia Louise Alejandro Andres ay nagcelebrate ng kanyang birthday noong August 24.

Credit: @iamsofiaandres

Ang 23-year-old lady ay isa na ring ganap na ina. Maaalalang noong November 24, 2019 nang ipanganak niya sa Australia si Zoe Natalia. Si baby Zozo ang first-born child nila ng partner niyang si Daniel Miranda.

The post Sofia Andres, masayang nagdiwang ng kanyang ika-23 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments