Kathryn Bernardo, masayang ipanakita ang kanilang pinapatayong bagong tahanan matapos ang 3 taong pagpaplano

Tunay talaga na napakasarap tamasin ng iyong pinagpaguran at pinaghirapan. Lalong mas sumasaya ang tagumpay na ito kung kasama mo ang iyong pamilya sa pag angat sa buhay.

Tulad na lamang ng box office queen na si Kathryn Bernardo na talaga namang proud sa kanyang mga naipapatayo at nakakamit ngayon. Sikat si Kathryn sa larangan ng pag arte at pagbida sa kanyang nga pelikula.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Isa sa mga proud din sa kanyang tagumpay ay ang kanyang ina na si mommy Luzviminda Bernardo.
Pinost ng kanyang ina ang ipinapatayong bahay ng kanyang anak na si Kathryn.Makikita sa post na tuwang tuwa ito lalo na’t sila pa rin ay magkakasama. “Yes anak, it is finally happening… 🏡

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby steps as when you add up these little steps we take toward our goal.🥰” ito ang caption ni mommy Luzviminda sa post nito na kasama ang kanyang anak sa under-construction na bahay ni Kathryn.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Tila matagal na nitong pangarap ng mag ina na magkaroon ng magandang bahay at ito na nga ay natupad. Mayroon pang pa advice ang ina ni Kathryn na hindi mo makukuha ang iyong goal sa isang iglap lamang ngunit ito ay inuunti unti hanggat makamit ito.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Nagpost din ang aktres tungkol sa kanyang dream house na talaga naman kanyang finlex sa kanyang Instagram.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

“Slowly getting there..🏠 I can’t believe it’s finally happening! 🥺” ito ang caption ng aktres.
Matatandaang nagpost din si Kathryn noong nakaraang taon upang ipakita ang kanyang lote na nais tayuan ng bahay at ito na nga ay naisakatuparan na.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

“March 9, 2020. Day 1. Groundbreaking of our new home. The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!” ito ang kanyang isinulat sa kanyang Instagram post.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

The post Kathryn Bernardo, masayang ipanakita ang kanilang pinapatayong bagong tahanan matapos ang 3 taong pagpaplano appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments