Tingnan ang mga nakakatuwang litrato ni Rodjun Cruz at ang napakagwapo nilang anak na si Joaquin

Talaga namang napakagandandang tignan ng mga ibinahaging larawan at short video clips ni Rodjun Cruz kasama ang kanilang 4 months old baby ni Diane Medina na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III o mas kilala bilang baby Joaquin.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Sa instagram post nila na parang father and son bonding , bakas na bakas ang nakakagigil na cuteness ni baby Joaquin. Pinuri pa nga ito ng mga netizens at sinabing sobrang gwapo niya at kamukhang kamukha daw ito ng kanyang mommy na si Diane Medina kahit pa nauna ng sinabi ni Diane na si Rodjun ang kamukha ni baby.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Nasusubaybayan naman ng mga fans ng mag asawang Illustre ang progress at paglaki ni Joquin dahil kahit baby pa lamang ito, ginawan na agad ng mga magulang niya ng kanyang sariling instagram account.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Dahil sa napaka gandang genes ni Rodjun at Dianne, hindi makakailang namana ni Joaquin ang charm at karisma nila kahit na 4 months old pa lamang ito. Ikinumpara pa nga ng mga netizens ang bata sa baby nina Coleen at Billy Crawford na kung si Baby Crawford daw ay maingay at makulit, Si Joaquin naman daw ay mukhang tahimik at seryoso.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Kitang kita sa mga larawan at videos na ibinahagi nila ang pagiging grateful ni Rodjun sa kanyang panganay na anak at ikinomment pa nga nito na siya daw ang kanyang buhay na ikina touch na kanilang mga followers.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Setyembre ng nakaraang taon ng sinalubong ng celebrity couple ang kanilang panganay na anak. Itinuring nilang napakalaking blessing sa buhay nila ang pagdating ng kanilang munting anghel.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Siguradong dadating ang araw na kung gugustuhing man maging artista ni Joaquin ay hindi ito mahihirapan dahil sa kabila ng kanyang napakabatang edad may mga endorsemnt shoots na itong nagawa.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

Matatandaang Decmeber 2019 ng ikinasal ang mag asawa at kahit pa halos kakakasal pa lamang nila, lagi na nilang ibinabahagi sa kanilang mga youtube videos kung gaano na nila kagustong magkababy kaya ang pagdating ni Joaquin sakanila ay tinuturing nilang answered prayer.

Credit: Rodolfo Joaquin Diego lll instagram

The post Tingnan ang mga nakakatuwang litrato ni Rodjun Cruz at ang napakagwapo nilang anak na si Joaquin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments