Dominic Roque, pinakilig ang mga fans ng magpost sya ng sweet na mga litrato nila ni Bea Alonzo

Ang pagba-bakasyon at pagta-travel ang isa sa mga paboritong gawin ng magaling na aktres na si Bea Alonzo kaya naman hindi na bago sa mga netizens ang madalas nitong pag-iibang bansa kung mayroon man itong pagkakataon.

Credit: Bea Alonzo instagram

Kamakailan-lamang ay nagbahagi ang bagong official Kapuso Star na si Bea Alonzo ng mga letrato sa kanyang naging pagbabakasyon sa California at kasama nito ang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Credit: Bea Alonzo instagram

Kasama na rito ang kanyang rum0red b0yfriend na si Dominic Roque kung saan makikita ang mga sweet na sweet moments ng mga ito sa kani-kanilang Instagram account ngunit sa letratong ibinabahagi ng mga ito ay mapapansin kung gaano mas naging sweet at malapit si Bea sa kanyang rum0red boyfriend.

Credit: Bea Alonzo instagram

Dahil sa kanyang ibinahaging letrato ay makikitang naka-yakap ito ng mahigpit kay Dominic sa kanilang naging recent camping trip sa AutoCamp sa California’s Yosemite, kasama naman ng mga ito ang malapit na kaibigan ni Bea na isa ring couple.

Credit: Bea Alonzo instagram

“And into the forest I go, to lose my mind and find my soul –John Muir” saad ni Bea sa kanyang post.
Makikita na sobrang sweet nina Bea at Dominic sa kanilang letrato dahil halos ngayon pa lamang talaga nila isinasa-publiko ang kanilang relasyon kaya naman maraming netizens ang hindi rin napigilan ang kilig sa mga sweet gestures ng dalawa.

Ngunit kahit na ganoon ay wala pang official na statement ang dalawa sa kanilang relasyon, tanging mga sweet na letrato lamang ng dalawa ang ibinabahagi nina Bea at Dominic na halatang ine-enjoy ang mga moments na magkasama ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Dahil first time nitong pumunta sa Yosemite at mag camping ay talagang nag-enjoy ang aktres sa naging bagong experience nito at hindi na ito makapag-hintay na maulit muli ang naging bakasyon sa California.

Sa recent post naman nito sa parehong social media platform noong linggo ay nagbahagi ito ng maraming letrato sa naging kaganapan sa kanyang trip sa Yosemite. Sa kanyang caption ay ikinuwento nito ang naging experience at naramdaman sa kanyang first time camping trip.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Ang mga letratong ibinahagi nito ay ang kanyang last post na pala tungkol sa naging pagba-bakasyon nito sa ibang bansa dahil matapos ang ilang araw sa abroad ay ibinalita nitong babalik na siya rito sa Pilipinas upang simulan na ang kanyang trabaho sa kanyang bagong GMA family.

The post Dominic Roque, pinakilig ang mga fans ng magpost sya ng sweet na mga litrato nila ni Bea Alonzo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments