Alexa Ilacad, hindi lang magtatap0s ng kolehiyo na isang dean’s lister, kundi meron din syang GWA na 1.0

Sa latest post ng aktres na si Alexa Ilacad na ibinahagi niya lamang nitong August 2, makikita ang kanyang graduation photo at achievement. Masasaksihan ang malaki niyang ngiti habang nakalitaw sa kanyang tabi ang achievement niyang Dean’s Lister.
Nakamtan niya ang award na ito sa pagtatapos niya sa kanyang marketing degree kung saan siya ay nakakuha ng GWA na 1.00.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Sa pagbabahagi niya ng real-life academic achievement niyang ito ay hindi naman naiwasang pasukan ng mga witty Filipinos. Sa comment section ay mababasa ang mga playful comments tulad ng “Bobbie, is that you?” dahil ang nasabing post ay nakapagpaalala sa mga netizens sa role ni Alexa bilang Bobbie na may achiever character sa palabas na “Four Sisters Before the Wedding.”

Credit: Alexa Ilacad instagram

“Last hoorah for my last term in college,” panimula ng aktres sa caption sa kanyang post. Nag-graduate si Alexa sa Treston International College’s School of Business and Technology.
“I am over the moon as I type this right now but finally… I am graduating!” ang dagdag pa niya.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Dahil sa lahat ng sakripisyo at tiyaga ay natapos na rin ng aktres ang program na kanyang pinasukan.
“Despite all the 0bstacles thr0wn my way, I was determined to finish strong. I came, I studied, I c0nquered!”

Tulad ng ibang mga estudyante, marami rin ang pinagdaanan ni Alexa ngunit hindi naman ito sumuko at nagpatuloy lamang hangga sa makapagtapos. Ang graduation photo ni Alexa pati na rin ang kanyang achievement ay tila pamilyar sa mga netizens. Inihantulad nila ito sa pinaka latest character (Bobbie) na ginampanan ng aktres.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Mapapansin sa comment section ang pagbuhos ng mga congratulatory messages pati na rin ang pagtawag sa kanya ng “Bobbie”. Ang palabas na “Four Sisters Before the Wedding” kung saan napabilang si Alexa sa mga casts ay ang Prequel ng “Four Sisters and a Wedding” na ipinalabas noon taong 2013.

Credit: Alexa Ilacad instagram

Ang karakter na Bobbie ay isang academic achiever. Ginampanan ng aktres ang younger version ng karakter na nagpakita kung bakit siya naging “corporate communications manager with an extensive vocabulary”. Kaya naman di maiwasan ng mga taga-hanga na ituri siyang “real-life Bobbie”.

Mapapatunayan sa post na ito na hindi lang ang husay pagdating sa industriya ng showbiz ang taglay ni Alexa kundi pati na rin sa pag-aaral.

The post Alexa Ilacad, hindi lang magtatap0s ng kolehiyo na isang dean’s lister, kundi meron din syang GWA na 1.0 appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments