Baby Sixto, kinaaliwan ng mga fans dahil sa kanyang nakakatuwang pag kanta ng bahay kubo

Isa sa mga hinahangaan na couple ng mga pinoy ay ang Royal couple na sina Marina Rivera at Dingdong Dantes dahil sa kanilang matibay at masayang pagmamahalan. Lalo pang nagpa-tibay sa relasyon ng mag-asawa ang kanilang dalawang maganda at gwapong anak na sina Zia at Baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa murang edad ay mapapansin na sa dalawang anak nina Marian ang kanilang taglay at natural na ganda at kagwapuhan na talagang na mana ng mga ito sa kanilang mga magulang dahil pareho ring gwapo at maganda at mga ito.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Kaya naman hindi maipag-kakailang maraming netizens ang natutuwa at nawiwili sa mga anak ni Marian. Hindi lamang din looks at iba pang facial features ang na mana ng dalawa dahil pati na rin ang pagiging talentado ay nakuha rin ng mga ito. Kamakailan-lamang ay masaya at bibong nagpakitang gilas si Baby Ziggy ng kanyang galing sa pag-kanta ng pinoy nursery rhymes na ‘Bahay Kubo’ at ‘Ako ay may lobo’ sa kanilang bahay habang hawak-hawak pa na malaking mikropono.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ibinida ni Ziggy ang galing nito sa pag-kanta na isa sa mga nagiging bonding ng Dantes family tuwing linggo. Sa murang edad ay memorize na ng bunsong anak nina Marian ang dalawang mahahabang kanta kaya naman nakakabilib na kaya na nitong i-kanta ng daretso ito. Hindi pa ito nagpa-awat at todo-todo pa itong nagpa-siklab sa pag-kanta.

Credit: Team Dantes instagram

Si Jose Sixto Dantes IV o mas kilala bilang Baby Ziggy ang bunsong anak ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang panganay na anak naman ng mga ito ay si Maria Letizia Dantes o kilala bilang Zia na ngayon ay limang taong gulang na.

Credit: Team Dantes instagram

Matatandaang masayang ipinanganak ni Marian ang kanyang bunsong anak noong 2019 at nitong Abril lamang ay ipinagdiwang nan g mga ito ang ikalawang kaarawan ni Baby Ziggy.

Credit: Team Dantes instagram

Ito rin ang pangalawang beses na nagkaroon ito ng !ntima@e birthday celebration dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya kaya naman pili lamang ang mga bisitang mayroon sa araw na iyon at tanging malalapit lamang sa buhay ng pamilya ang makikita sa naging selebrasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

The post Baby Sixto, kinaaliwan ng mga fans dahil sa kanyang nakakatuwang pag kanta ng bahay kubo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments