Batang batang litrato ni Jodi Sta. Maria, kinaaliwan ng mga fans

Ang pagiging bata ang isa sa mga pinaka-namimiss ng bawat tao rito sa mundo dahil minsan ay hindi natin napapansin kung gaano na ka-bilis lumilipas ang panahon. Kaya naman ang pagbabalik-tanaw sa mga magagandang mem0rya ang tanging nagagawa na lamang dahil hindi na maibabalik pa ang mga panahong nagdaan na.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Isa sa mga binabalikang mem0rya ng bawat tao ay ang kanilang masasayang childhood memories kung saan buong araw ay naglalaro lamang ang mga ito at walang iniindang kahit anong problema na nangyayari sa kani-kanilang buhay.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Kamakailan-lamang ay nagbahagi ang maganda at in-demand na aktres na si Jodi Sta. Maria ng kanyang throwback photo noong bata pa lamang siya sa kanyang Instagram account.
Tila ba naging napaka-espesyal ng ibinahaging letrato ni Jodi dahil sa kanyang caption ay isinama niya ang mga netizens sa kanyang pagbabalik-tanaw sa kanyang naging magandang childhood life na hanggang ngayon ay tandang-tanda pa rin nito.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Makikita sa letrato ang inosente at batang-bata na si Jodi Sta. Maria habang mayroon itong napaka-gandang ngiti sa mga labi. Kahit na nasa murang edad pa lamang siya sa letrato ay hindi na ganoon nagbago ang itsura nito hanggang ngayon. Kaya naman mahahalatang siya talaga ang nasa throwback photo. Sa kulay din ng letrato ay mapapansing matanda at dati pa nakunan ang letratong ibinahagi ng aktres.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“This photo brings back so many memories from my childhood. Yung pakikipaglaro sa mga kapitbahay tatakas ako pero kahit mapagalitan sa pag-uwi okay narin.” Saad nito sa kanyang caption.
Ibinahagi ni Jodi sa kanyang caption ang iba sa mga masasayang memorya nito noong bata pa siya at tulad ng iba pang naging bata at lumaki rito sa PIlipinas ay talagang makaka-relate ang mga iba pang netizens sa kuwento nito.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“Do you remember touch taya? 10-20? Or yung plastic balloon na bawal bumagsak sa lupa pag napalobo mo na? Have you waited for the corn vendor shouting mais… mais… at si manong na nagongolekta ng dyaryo at bote kapalit ay chichirya?” kuwento pa nito.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Ang nabanggit ni Jodi ang iilan lamang sa mga naka-lakihan ng mga batang Pilipino at ang lahat ng ito ay naging parte ng buhay ng mga ito. Simpleng-simple lamang ngunit iba ang saya ng mga bata noon dahil hindi nawawalan ang mga ito ng pampa-lipas oras.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

“I also looked forward to rainy days where we were allowed to run around soaking wet. Our childhood plays a big part in who we are today. The simple joys, the contagious laughter, and the mini adventures have taught us that it takes very little to have a happy life.” Dagdag pa niya.

Credit: Jodi Sta. Maria instagram

Kahit na lumipas na ang masayang childhood life ay nananatili pa rin ito sa mga puso at isip ng bawat tao at patuloy pa rin dinadala ng bawat bata noon ang kanilang masasayang memorya hanggang ngayon.

The post Batang batang litrato ni Jodi Sta. Maria, kinaaliwan ng mga fans appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments