Anak nina Jessa at Dingdong Avanzado na si Jayda, masayang ibinahagi na sya ay 1st honor sa kanyang school nung nakaraang taon

“Currently finishing up on my senior year (4th year) of high school but i’m all smiles, as ya girl’s received her certificate for last school year (swipe left <—)” ang caption ni Jayda sa ibinahagi niyang larawan sa kaniyang Instagram account. Ang post ay naglalaman ng larawan niya at larawan ng kaniyang certificate na nagsasabing siya ay first honor noong siya ay nasa ika-11 baitang.

Credit: Jayda instagram

Si Jayda o Janelle Amanda Loyola Avanzado ay ang nag-iisang anak nina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na parehong mang-aawit. Siya ay 18 taong gulang pa lamang pero isa na siyang songwriter, music producer, singer, model, at social media influencer.

Credit: Jayda instagram

Sa edad na 9, siya ay nagperform sa show ng kaniyang ama, “when I was nine years old, I guest-performed in my dad’s show, Tatlong Beinte Singko. Since then, I’ve been a regular guest in my parent’s shows, including their anniversary concert,” aniya sa isang panayam.

Credit: Jayda instagram

Nag-umpisa naman matutong sumalat ng mga kanta si Jayda sa edad na 12. Dahil sanay sa buhay showbiz mula pagkabata, ayon kay Jayda ay hindi na lamang niya pinapansin ang mga taong namb@b@tik0s sa kaniya, “I just ignored the b@sh3rs. That’s the best way to treat b@sh3rs, just ignore them,” aniya.

Credit: Jayda instagram

Muling napanood sa TV si Jayda nang minsang mag guest noong 2018 sa Eat Bulaga na isang noontime show sa GMA network. Marso sa taong 2019 ay inilabas ang kaniyang kanta na pinamagatang Happy For You sa ilalim ng ABS CBN Star Music.

Credit: Jayda instagram

Noong Pebrero naman ay muli siyang nagkaroon ng kanta, ang Paano Kung Naging Tayo at sinundan ito ng kanta niyang Mag-isang Umiibig noong Mayo. Ang kaniyang first major concert ay naganap online noong ika-26 ng Hunyo sa kasalukuyang taon. Sa ngayon ay napapanood si Jayda sa ASAP Natin ‘To na isang variety show sa ABS CBN tuwing linggo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jayda (@jayda)

The post Anak nina Jessa at Dingdong Avanzado na si Jayda, masayang ibinahagi na sya ay 1st honor sa kanyang school nung nakaraang taon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments