Tingnan ang napakagandang maternity photosh00t ng aktres/model na si Sam Pinto

Sa latest post ni Sam Pinto – Semerad sa kanyang Instagram, ipinasilip niya sa mga netizens ang iilang highlights sa kanyang naging maternity photosh00t. Makikitang simple lamang ang naging photosh00t ngunit napaka elegante pa ring tignan nito.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

Mapapansin sa mga pictures ang mga simpleng mga detalye sa decorations tulad ng mga sanga at kulay lavender na mga bulaklak. Si Sam naman ay may suot na napakaganda at eleganteng long white dress at naka-pose tulad ng mga common poses na ginagawa ng mga buntis na nagpapa-maternity sh00t.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

Halata na at malaki na ang baby bump ni Sam sa mga pictures. Ibinahagi niya ito sa social media noong July 23. May caption ang post na “Every week is a step closer to meeting my bundle of joy ?” Nakatakdang manganak si Sam Pinto ngayong buwan ng Agosto.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

May ilan pa siyang ibinahaging pictures na nakuhanan din sa maternity shoot kung saan siya ay nagpalit ng decorations sa background pati na rin ng outfit. Sa huling batch ng picture na ibinahagi ni Sam ay mas kitang-kita ang kanyang baby bump dahil siya ay naka two-piece dito.
Masasaksihan sa bawat litrato na wala pa ring kupas ang natural na gandang taglay ng buntis na si Sam.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

Matatandaang noong May 5 nang i-announce ni Sam sa publiko na siya ay buntis. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbahagi ng picture nila ng kanyang asawang si Anthony Semerad na hawak ang isang sonogram image na nagpapatunay na siya nga ay buntis. Ibinahagi rin ito ni Anthony sa kanyang sariling account.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

Noong May 8 naman nang in-announce ng couple ang gender ng kanilang baby. Kasalukuyan noong 23 months pregnant si Sam nang magpa- gender reveal at name reveal sila sa kanilang vlog.
Ang first child nina Sam at Anthony ay isang babae na ipinangalanan nilang Mia Aya Semerad.
Inamin naman ng mga first time parents na may naramdaman silang kaba at takot noong una, gayunpaman ay excited na silang i-welcome ang kanilang baby girl.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

Sina Sam at Anthony ay naging couple noong 2018 at naging engaged noong August 2019. Sila ay magtatatlong taon na nang sila ay magpakasal. Ang kanilang wedding ay isang intimate civil ceremony na naganap sa rooftop ng Conrad Manila.

Credit: Sam Pinto-Semerad instagram

The post Tingnan ang napakagandang maternity photosh00t ng aktres/model na si Sam Pinto appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments