Mga netizens, natuwa at sinuportahan si Kisses Delavin sa kanyang pagsali sa Ms. Universe Philippines 2021

Ini-release na ng Miss Universe Philippines ang mga introduction videos ng mga candidates sa publiko. Isa sa mga makikita sa mga videos ay ang introduction video ng former PBB Housemate na si Kisses Delavin. Sa video ay mapapanood siyang ipinapakilala ang kanyang sarili sa publiko bilang official candidate ng Miss Universe PH 2021.

Credit: KISSES instagram

“Hello, Universe! My name is Kirsten Danielle Delavin,” pagpapakilala ni Kisses. Rine-represent ng aktres ang kanyang sariling bayan na Masbate. Mapapansin naman na ang ginamit na pangalan ng Miss Universe candidate ay ang tunay niyang pangalan o given name na “Kirsten Danielle”. Ayon sa kanya, ito umano ang kanyang napagpasyahang gamitin kaysa sa kanyang nickname na “Kisses”.

Credit: KISSES instagram

Matatandaan namang ang kanyang nickname ay ang ginamit niyang pangalan sa sinalihan niyang reality show na Pinoy Big Brother kaya naman ito ang mas kilala o pamilyar sa mga tao.
Mas lalong makikilala si Kisses ng bawat indibidwal kung mapapanood ang 1 minute introduction video ng candidate kung saan may mga ibinahagi siyang mga personal na impormasyon tulad ng kanyang pag-aaral, trabaho, hobbies, at interests.

Credit: KISSES instagram

“I am studying business at De La Salle University and in my work I act in front of the camera. I sing and dance on stage, and record music,” ang paninimula nito. Ang ilang mga impormasyong ito ay siguradong alam na alam na ng mga supporters o fans ng aktres dahil bago pa sumali sa pageant si Kisses ay isa na siyang kilalang personalidad.

Credit: KISSES instagram

“In this work, I get to meet and connect to people of all ages which I loved to do since I was young. And I get to travel to places and different parts of the world, too, which I also love,” dagdag pa ng candidate.

Credit: KISSES instagram

Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay makikita sa video ang ilang mga larawan na nagpapakitang marami na ang kanyang mga nakasalamuha, nakilala at nakasama.
“A fun fact about me is that I am a food lover. I love rice, I love ulam, all kinds of ulam and everything in between.”

Credit: KISSES instagram

Pagdating sa kainan, talaga nga namang namamayagpag ang pagiging Pilipino ni Kisses.
Hindi na bago kay Kisses ang pagsali sa mga pageants dahil marami na siyang naging experience sa mga provincial competitions bago pa man ito pumasok sa mundo ng showbiz. Taong 2013 nang kinoronahan siyang Miss Teen Masbate at noong 2016 naman bilang Miss Kaogma.

Credit: KISSES instagram

Nitong Lunes lang nang manguna si Kisses sa Miss Universe Philippines 2021’s headshot challenge kung saan naging batayan ang mga online votes ng publiko.Sa darating na September 25 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 kung saan may 30 candidates na pagpipilian.
Ang mananalo ay ang ilalaban sa Miss Universe pageant sa Israel sa darating na December.

The post Mga netizens, natuwa at sinuportahan si Kisses Delavin sa kanyang pagsali sa Ms. Universe Philippines 2021 appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments