Tingnan ang napakagandang birthday party ng anak ni Ethel B00ba ba dinaluhan ng ibang sikat na personalidad

Ngayong pinapayagan na ang mga tao sa iba’t ibang activities at celebrations na nais nilang gawin, ito na rin ang naging “right time” ng iba upang magdiwang ng mga espesyal na okasyon at “most awaited moment” naman sa mga taong nakansela lang ang mga plano na ngayon ay matutuloy na.

Credit: Ethel Booba Youtube

Isa sa mga nagkaroon ng magarbong selebrasyon sa buwan ng July ay ang isang sikat na personalidad sa industriya ng Showbiz na si Ethel Booba. Ipinagdiwang ni Ethel ang kaarawan ng kanyang anak. Sa espesyal na araw na ito ay invited din at nakisama sa celebration ang iilang mga kasamahan, kaibigan o mga taong malalapit sa pamilya na kabilang sa industriya ng Showbiz.

Credit: Ethel Booba Youtube

Ang iilang mga tanyag na personalidad na sina Donnalyn Bartolome, Wilbert Tolentino at Donita Nose ang lalong nagpa-espesyal sa kaarawan ng anak niyang si Michaela. Sa isang Instagram post, pinasalamatan mismo ng comedian-mommy ang tatlo niyang kaibigan.

Credit: Ethel Booba Youtube

May caption ang post na “Thank you for coming everyone 😘 @donna @sirwil75 @donitanose
The GRANDEST BIRTHDAY Celebration” Makikitang buhat ni Donnalyn Bartolome ang baby girl na si Michaela na makikita sa pinakaunang picture sa nasabing post habang mga stolen sh0ts naman nina Donita Nose at Wilbert Tolentino ang mga susunod na litrato kung saan makikita kung gaano kasaya ang mga ito sa pagdalo sa selebrasyon.

Credit: Ethel Booba Youtube

Kitang-kita na bongga ang naging selebrasyon at mapapatunayan na nag-enjoy ang mga bisita.
Ang selebrasyon na ito ay tinatawag nilang “Remake” o repeat birthday celebration dahil ang tunay na araw ng kapanganakan at pagdiriwang talaga ng anak niyang si Michaela ay February 14.

Credit: Ethel Booba Youtube

Ipinagdiwang ang celebration sa Aquila Crystal Palace Tagaytay Events Place. Ayon sa kanyang vlog, ito raw talaga ang gusto niyang venue noong February 14 ngunit hindi umano ito available noong araw na iyon, kaya naman sa repeat celebration na nangyari, magarbo ang naging selebrasyon at sa wakas ay naganap ito sa location na kanyang ninanais.

Credit: Ethel Booba Youtube

Si Ethyl Gabison na mas kilala bilang Ethel Booba ay isang first-time mom sa edad na 43. Ang kanyang partner na ama ni Michaela ay si Jessie Salazar. Taong 2017 nang magsama ang dalawa.
Maaalalang isinapubliko ni Ethel ang pag-welcome sa kanyang anak sa pamamagitan ng pagpost niya ng picture nito at pabirong pagtawag sa kanya ng “little booba”.

Credit: Ethel Booba Youtube

The post Tingnan ang napakagandang birthday party ng anak ni Ethel B00ba ba dinaluhan ng ibang sikat na personalidad appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments