Child Star na si Bikbik, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa kanyang magaganda at nakakatuwang litrato

Sa panahon ngayon, marami na ring mga child star ang madalas na nakakakuha ng atensyon ng mga tao at kinagigiliwan ng mga supporters. Ang ibang mga babies na inaabangan ng mga tao ay ang mga celebrity babies na may mga parents na kabilang sa industriya ng showbiz.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Mayroon din namang mga babies na sila mismo ang nagsimula sa kanilang celebrity-bl00d dahil sa cuteness na mayroon sila. Isa sa mga famous babies sa henerasyon ngayon ay si baby girl Bikbik na nakilala sa kanyang doll-face at sense of fashion ayon sa mga netizens.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Sa Official Instagram account ng Nice Print Photo kung saan madalas mga celebrities ang kanilang mga clients, ibinahagi nila ang iilang mga litrato ni Bikbik sa kanyang naging pictorial. Ipinasilip sa post na ito ang iilang mga highlight pictures kung saan makikitang black and white ang suot ni Bikbik.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Ang kanyang outfit ay tila vintage-inspired na minsan ay nakikitang suot ng mga babae bilang formal outfit sa mga lumang pelikula. May caption ang post na “Beautiful Bikbik on her birthday ❤”. Ang pictorial na ito ay isang birthday-celebration pictorial. Kitang-kita sa mga pictures ang pagiging photogenic ni Bikbik at kung paano kasanay ito pagdating sa camera.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Kung bibisitahin ang kanyang Offcicial Instagram account ay makikita na punong puno ito ng mga pictures niya kung saan hindi lang ang ganda at cuteness niya ang makikita kundi pati na rin ang galing niya sa pananamit.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Iba’t ibang klase ng outfit at style ang makikita sa mga pictures. Sa kaniyang mga latest post ay tila nagco-cosplay ang baby girl. Si Victoria Serrah Roberto Tonin na mas kilala sa nickname niyang Bikbik ay itinuturing isang young fashion model.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Sa murang edad ay nagviral ang baby girl sa social media dahil sa kanyang mga pictures. Ang hilig sa pormahan ni Bikbik ay napupunta sa pictorial. Kasunod ng instant fame nito ay ang pagdami ng followers niya sa iba’t ibang mga plataporma. Ayon sa kanyang mga magulang, hindi nila expect ang pangyayaring ito.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Minsan na ding nabanggit ng mommy ng baby girl na ang cabinet nito ay punong-puno ng mga stylish outfits. Nasabi niya rin na hindi umuulit ang mga suot ni Bikbik kung saan ibinebenta niya na lamang ang mga damit sa kanyang mga kaibigan.

Credit: Victoria Serrah Tonin PH instagram

Ipinagdiwang ang kanyang birthday noong July 2. Ang kaniyang mommy ay isang Filipina habang ang kanya namang daddy ay isang Canadian kaya halata ang kaniyang pagka-tisay.

The post Child Star na si Bikbik, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa kanyang magaganda at nakakatuwang litrato appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments