Rayver Cruz, masayang nagdiwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan

Kamakailan- lamang ay nag- diwang ang aktor at dancer na si Rayver Oliver Cruz Ilustre o mas kilala bilang sa stage name nitong Rayver Cruz ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at iba pang malalapit na tao sa buhay nito.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa isang post ng aktres na si ni Dianne Medina ay nagbahagi ito ng mga letrato at moments ng naging pagdiriwang nila ng ika-32th birthday ng kanyang brother in law na si Rayver.
“Happy Birthday @rayvercruz We love you!” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa unang letrato ay makikitang mag- kasamang nagpa- kuha ng letrato ang magkapatid na dancer at aktor na sina Rayver at Rodjun Cruz na pareho pang naka-pose ng peace sign.

Makikitang ang naging theme ng birthday ni Rayver ay ang NBA basketball team na Lakers na binubuo ng kulay violet at gold na mga lobo at iba pang disenyo dahil ito umano ang paboritong basketball team ni Rayver na lagi niyang inaabangan kapag may game ang mga ito.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa pangalawang letrato ay kasama na nina Rayver at Rodjun ang isa pa nilang kapatid na si Omar na kasama rin ang anak nito. Tulad ni Omar, kasama rin ni Rodjun ang kanyang nag- iisang anak at ang kanyang magandang asawa na si Dianne Medina.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Ang kanyang pamilya ang naging pangunahing bisita sa kaarawan nito dahil iniiwasan pa ang mga engrandeng party sa panahon ngayon. Sa mga sumunod na letrato ay isa- isang nagpa- kuha ng letrato si Rayver sa kanyang masasarap na handa at siyempre hindi magpapahuli ang malaking lechon na hindi nawawala sa mga hapag-kainan ng mga Pilipino kapag mayroong okasyon.

Bisang- bida rin ang inflatable playground para sa mga anak ng kanyang mga kapatid na pina-sadya niya mismo para sa mga ito. Hindi lamang perfect ang party ni Rayver para sa kanyang mga kapatid at iba pang bisita dahil perfect din ito para sa kanyang mga pamangkin dahil talagang nag-enjoy ang mga ito sa pag-lalaro sa inflatable playground.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Hindi naman nakakapag-takang nagpa-sadya pa si Rayver ng isang inflatable playground para sa kanyang pamangkin dahil malapit talaga ito sa mga bata. Lagi itong nakikipag-laro at nakikipag-bonding sa mga ito na mapapansin sa isang letrato pang ipinost ni Dianne sa kanyang Instagram account.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

The post Rayver Cruz, masayang nagdiwang ng kanyang ika-32 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments