Ryan Agoncillo, ibinida ang anak na si Luna dahil sa kanyang galing at nakakatuwang weather report

Ang mga anak ay itinuturing kayamanan ng bawat magulang. Makikita kung gaano at paano nila ipinagmamalaki ang mga ito tuwing mayroong pagkakataon. Walang katumbas ang kanilang saya tuwing ibinibida nila ang kanilang mga anak.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Tulad na lamang ng mga magulang na kabilang sa industriya ng showbiz. Mapapansin sa mga celebrity parents na kulang na lang ay punuin nila ang kanilang mga social media ng mga post o updates tungkol sa kanilang mga anak.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Isa na sa mga kabilang sa “Proudest parents club” ay si Ryan Agoncillo. Nitong Monday lang nang magpost ang celebrity dad ng dalawang video ng bunso niyang si Luna. Makikita dito ang baby girl na nagrereport sa kanyang news program na tinawag niyang “News, news, news”. May caption ang post na “This weekend’s report is brought to you by our talking doll.”

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Ang aspiring reporter ay nagdeliver ng isang weather report. “Welcome to ‘News, News, News.’ A new weather report. Today is windy, cloudy and sunny which is perfect for sailing for daddy Ryan,” ang sabi niya sa report habang ang hawak niyang isang honey dipper ang kanyang nagsilbing microphone.
Bago pa matapos ang report ay mayroon pa siyang pa- silly pose kung saan inilabas niya ang dila niya at sinundan ng katagang “Have a newsiful day!”.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Sa pangalawa namang video ay mayroon pang pa-change location si Luna. Siya ay nasa beach at makikita sa kanyang background ang kalmadong karagatan.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Weather report din ang ginawa ni Luna ngunit may bago naman siyang spiels na binanggit dito. “Welcome to ‘News, News, News.’ As you can see, it is windy, cloudy, and sunny and high tide so this is perfect sail boating for daddy Ryan so your sail boat can get a break from the sand.” ang sinabi nito sa unang bahagi ng kanyang pagbabalita.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

“And you can get a break from work and feel the ocean as high tide as the wave crash onto your sail boat,” dagdag pa nito. Sinabi niya rin ang mga katagang “Have a newsiful day!” at inulit ang kaniyang silly pose na pagdilat. Makikita sa comment section ang ina niyang si Judy Ann na mapapatunayang napasaya ni Luna dahil nag-iwan ito ng comment na series of laugh emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)

Napakarami din namang mga celebrities ang nag-iwan ng mga positive comments na nagpapahiwatig ng suporta sa baby girl. Si Luna ay nag-5 years old noong January. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Si Yohan na panganay ang kanyang ate habang ang pangalawa namang anak na si Lucho ang kanyang kuya. Ang kanilang mga magulang ay ang mga tanyag na personalidad na sina Ryan at Judy Ann Agoncillo.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

The post Ryan Agoncillo, ibinida ang anak na si Luna dahil sa kanyang galing at nakakatuwang weather report appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments