Rachel Peters, ibinahagi ang kanilang naging masayang kasal ng kanyang fiance na si Migz Villafuerte

Hindi maitatangging marami ang mga ikinasal ngayong panahon ng p@nd3my@ at is ana rito ang kilalang beauty queen na si Rachel Peters. Makikita sa Instagram ni Rachel Peters ang post niya kung saan makikitang kasama niya ang kanyang long-term boyfriend na si Gov. Migz Villafuerte at sila ay nakasuot ng semi-formal attire habang may hawak na bouquet ang beauty queen.

Credit: Rachel Peters instagram

May caption ang post na “Celebrated 7 years together by making it official 🤍”. Ang dating Miss Universe Philippines titleholder na si Rachel Peters at ang Camarines Sur Governor na si Migs Villafuerte ay ikinasal na nitong nakaraang Sabado, July 17, 2021. Ito ay isang civil wedding ceremony na naganap sa Supreme Court of the Philippines.

Credit: Rachel Peters instagram

Hindi lamang ang kanilang anniversary bilang mag boyfriend at girlfriend ang kanilang magiging selebrasyon sa mga susunod pang taon dahil ang araw na iyon ay magiging wedding anniversary din ng dalawa.

Credit: Rachel Peters instagram

Makikita naman sa pangalawang picture sa nasabing post ang iilang mga bisita na naging saksi sa kasalan ng dalawa. Ang kasalan ay isang intimate wedding lang kung saan ang mga pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang invited sa seremonyas.

Credit: Rachel Peters instagram

Maaalalang noong November 2019 nang mangyari ang engagement ng dalawa. Sila ay limang taon nang nagde-date noong mga panahong ito. Kaya ngayon naman, makalipas ang halos dalawang taon ay naganap na ang kanilang pinakahihintay na araw.

Credit: Rachel Peters instagram

Ngunit hindi lamang ito ang mahalagang kaganapang mangyayari sa buhay ng dalawa ngayong taon dahil hinihintay din nila ang pagsilang ng kanilang baby ngayong taong 2021. Matatandaang noong May 2021, ini-reveal ni Rachel Peters na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Migz.

Credit: Rachel Peters instagram

Isinapubliko niya ang impormasyon sa pamamagitan ng pagpost sa Instagram ng kanyang solo picture na nakaupo sa tila sea-side na may caption na “18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea”.

Makikita rin naman sa comment section ng nasabing post ang pag-ulan ng mga congratulatory messages. Bago matapos ang taon ay maiwe-welcome na ng mag-asawa ang kanilang baby.

 

The post Rachel Peters, ibinahagi ang kanilang naging masayang kasal ng kanyang fiance na si Migz Villafuerte appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments