Magandang model na si Kelly Misa, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa masaya ang magandang pamilya na meron ito

Maraming mga netizens ang may kilala sa isang napakaganda at napakagaling model at host na si Kelly Misa ngunit kung hindi pamilyar ang kanyang pangalan ay tiyak naman na pamilyar sa mga mata ng madla ang mukha nito.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Si Raquel Denise Misa o kilala bilang Kelly Misa ay isang Filipina model at isang TV host. Tiyak na pamilyar ang mukha nito sa mga viewers dahil maraming beses ito lumabas sa mga Philippine magazine publications at mga TV commercial. Hindi lamang sa mga magazine at commercial nakikita at napapanood ng mga viewers si Kelly kung hindi pati na rin sa mga print ads at iba pang mga ramp modelling na ginaganap dito sa Pilipinas kaya sino ba naman ang hindi magiging pamilyar sa kanya.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Nakilala rin ito sa galing niya pag- style ng mga damit at pag- aayos kaya naman siya ay naging beauty columnist sa sikat na news publication na Philippine Daily Inquirer pati na rin isang beauty editor ng magazine na Look.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Siya rin ay nagsusulat ng personal blog tungkol sa fashion, beauty at purchases sa sarili nitong website at matatandaang naging co- host din ito sa dating show na Wowowee at paminsan- minsan nagiging guest hurado sa noon time show na It’s Showtime. Noong 2012 ay nagpakasal si Kelly sa kanyang non- showbiz at long- time boyfriend na si Carlos Fernandez na isang business man.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Hindi naman nagtagal ay nagkaroon na ng panganay na anak si Kelly at ang kanyang asawa matapos ang tatlong taon. Nagsilang si Kelly ng isang bouncing baby boy noong Hulyo sa taong 2015. Ang ipinangalan ni Kelly sa kanyang cute na cute na baby boy ay Tristan na talaga naman kamukhang- kamukha nito.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Ang pagiging magulang ni Kelly ay isa sa mga nagiging topic nito sa kanyang mga blog dahil isa naman talagang malaking challenge sa buhay ang maging mabuting mga magulang. Hindi naman binigo ni Kelly at ng kanyang asawa ang kanyang sarili dahil lumaki ang anak nito bilang isang mabuting bata.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Tulad ng iba pang mga celebrity ay nagpost si Kelly sa kanyang Instagram account ng appreciation post para sa kanyang asawa na si Carlos sa pagiging mabuting ama niya sa kanilang nag- iisang anak.
Nagpost si Kelly ng dalawang family picture ng mga ito at may kasama pang maganda at sweet na mensahe para sa asawa.

Credit: Kelly Misa-Fernandez instagram

Sa mga letrato ay mapapansi na masayang- masaya ang pamilyang Fernandez dahil sa kanilang ipinakitang matatamis na ngiti.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kelly Misa-Fernandez (@kellymisa)

“Our fave phtos of us! ❤Happy Father’s Day to this guy who is never in my feed because he is always behind the camera. Grateful for you today and everyday.” Ayon sa caption nito.
Inamin ni Kelly sa kanyang caption na hindi ito nakakapag post ng mga letrato ng asawa sa kanyang Instagram account dahil si Carlos ang taga- kuha umano nito ng mga letrato na kanyang ipino- post. Kaya naman hindi na nagpahuli si Kelly at nagpost na ito ng mga paborito nitong letrato kasama ang asawa.

The post Magandang model na si Kelly Misa, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa masaya ang magandang pamilya na meron ito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments