Dating aktres na si Jinky Oda, masayan ibinahagi na sya ay isa na ngayong security sa Amerika

Si Jinky Oda na dating personalidad sa industriya ng Showbiz sa Pilipinas ay nagtatrabaho na ngayon bilang security personnel sa Amerika.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Ito na ngayon ang buhay ni Jinky Oda. Maaalalang nakilala si Jacque o Jinky Oda bilang si Bale sa isang sitcom o Fantasy TV Series na “Okay Ka, Fairy Ko!” noong 1989-1997. Sa isang vlog nina LJ Moreno at Rufa Mae Quinto sa kanilang sariling channel na The WANDER Moms ay nakapanayam nila si Jinky kung saan nagkwento ang komedyante tungkol sa kanyang buhay.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Naganap ang lahat ng ito nang magkita-kita sila sa California noong July 4, 2021. Ayon kay Jinky, nagsimula ang lahat ng ito noong tanungin siya ng anak kung nakikita niya ba ang sarili nyang naninirahan sa ibang bansa. Sa una ay nang@ngamba pang pumunta sa Amerika si Jinky ngunit nang masubukan niya ay kalaunan na-realize niya na nais niyang magstay rito.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

“First year ko dito the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao? Kapitbahay mo nga, di mo kilala…Walang tao, walang kausap,” ang sabi pa niya habang kausap ang dalawa.
Naikwento rin niya na ang una niyang naging trabaho rito ay pagiging isang caregiver. Tinulungan siya ng kapatid niyang nurse pagdating dito.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in. OK naman. Kesa naman sa nganga,” dagdag ni Jinky habang pinag-uusapan ang naging simula ng kanyang buhay sa Amerika.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Ikinwento din niya na nagsimula siya sa kanyang trabaho bilang security guard nang may lumapit lamang sa kanya na security guard, “Meron ak0ng nakilalang guy na local security guard. Lumapit lang siya sa ‘kin. Siyempre, to be p0lite, ngumiti lang ako. Bigl@ng lumapit, n@gpakilala. To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security field”.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Namumuhay na rin sa Amerika ang pamilya ni Jinky Oda at maayos na ang lahat pati ang kanyang trabaho. Nabanggit niya ring nami-miss niya ang bansang Pilipinas ngunit kung sakaling umuwi siya ay mga kaibigan na niya lamang ang kanyang mababalikan.

Credit: Jacque “jinky” Oda instagram

Ayon sa kanya, maganda na ang kanyang trabaho at ito na ang kaniyang magiging pamumuhay habambuhay. Ang katotohanang ito ay dapat niyang tanggapin. Sa ngayon ay apat na taon ng naninirahan ang dating artista sa Amerika.

The post Dating aktres na si Jinky Oda, masayan ibinahagi na sya ay isa na ngayong security sa Amerika appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments