Kilalanin si Jasmin, ang magandang asawa ng singer na si Teddy Corpuz

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay binati ng singer, actor, at host na si Teddy Corpuz ang kaniyang asawang si Jasmine Corpuz sa kaarawan nito noong ika-23 ng Hunyo.

Credit: Teddy Corpuz instagram

“Happy birthday to my queen, my muse, my best friend, and my forever soulmate. I will never run out of good things to say to you. Amazing s3xy b3autifvl w!ld wif3, best mom, and f3arless & blunt b3st friend. I wish you’re genuinely happy with me and the kids. We l0ve you so much babe! @itsjhazmine,” ang caption ni Teddy sa post.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Si Teddy at Jasmine ay ikinasal noong taong 2006 at may dalawang anak. Matatandaan noong nakaraang 2017 ay ni-renew nila ang kanilang wedding vows on-air sa kanilang Magpasikat performance kasama sina Vice Ganda at Jugs Jugueta sa noon time show na It’s Showtime.

Credit: Teddy Corpuz instagram

“Lagi m0ng sinasabi sa akin na never akong nagprop0se sa’yo. Kaya ngayon, sa harap mo at sa harap ng buong mundo…” ang sabi ni Teddy bago lumuh0d sa harap ng kaniyang asawa na katabi ang kanilang mga anak.

Credit: Teddy Corpuz instagram

“…gusto kitang tanungin. B@be, will you marry me again?” tanong niya at tinaggap naman ito ng kaniyang asawa. Sa mismong araw at pagkakataon din na iyon ay kinasal silang muli.
Unang napanood si Teddy sa palabas na Idol Ko Si Kap sa GMA network noong 2004 at sunod sa fantaseryeng Sugo bilang si Pik0y noong 2005.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Sa taong 2005 rin siya unang napanood sa isang pelikula na pinamagatang Isnats at gumanap siya bilang Gani. Noong 2006 ay nagkaroon ng album sa unang pagkakataon ang grupong Rocksteddy na kilala rin bilang Accoustic Faith kung saan kabilang ang host.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Una namang napanood ang host sa It’s Showtime noong taong 2009 at hanggang sa kasalukuyan ay kabilang pa rin siya rito. Ngayon, maliban sa pagiging artista ay pinasok na rin ni Teddy ang mundo ng vlogging.

Credit: Teddy Corpuz instagram

The post Kilalanin si Jasmin, ang magandang asawa ng singer na si Teddy Corpuz appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments