Forever and beyond na nga naman ang pagmamahalan ng aktres na si Kris Bernal at ang chef na si Perry Choi. Opisyal na silang ikinasal matapos ang kanilang apat na taon na relasyon.
Credit: Niceprintphoto instagram
Idinaos ang kanilang kasalan noong Sabado, September 25, sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish Magallanes Village, Makati City. Napakaganda nga naman ni Kris sa kanyang eleganteng wedding gown. Pagpasok pa lang niya sa simbahan, napakaganda nga naman ni Kris sa kanyang Mak Tumang wedding gown.
Credit: Niceprintphoto instagram
Emosyonal nga namang naglakad si Kris Bernal sa altar habang inaawit ni Jona ang awitin ni Yeng na “Ikaw”. Kasama ni Kris ang kanyang mga magulang na sina Edgardo at Analyn Bernal. Sila ang naghatid sa kanya sa altar.
Credit: Niceprintphoto instagram
Nakakakilig nga namang makita ang pair na ito. Isa sa mga inspiring na mensahe ng pari ay mapuno ang kanilang pagsasamahan ng “brimming with love and happiness.”
Credit: Niceprintphoto instagram
Dahil sa limitasyon na dala ng C0vld, tanging pamilya lamang at mga malalapit na kaibigan ang kanilang inimbata.
Binalikan naman ang kanilang love story. Nagsimula ang dalawa bilang business partners before.
Credit: Niceprintphoto instagram
“Supplier siya ng beef patty ng Meat Kris. Kasi naghahanap ako ng supplier. Nilapitan ko yung company nila. Siya yung chef. Siya yung gumawa ng mga recipe [for Meat Kris burgers]. Dun kami naging close,” kwento ni Kris.
Credit: Niceprintphoto instagram
Hindi naman daw kilala ni Perry si Kris noon bilang artista.
“Ginoogle ko pa siya kung sino siya. Hindi kasi ako nanonood ng TV. News lang,” saad ni Perry.
Masaya naman ang mga netizens at narito ang kanilang mga pagbati:
“Congrats..to both of you..and the Lord God..be the center always in your life..forever.Amen..”
Credit: Niceprintphoto instagram
“Congrats ang best wishes kapuso Kris Bernal and Perry”
“Finally best wishes mr and mrs choi ”
Credit: Niceprintphoto instagram
“Beautiful! Congratulations! Parang barbie doll”
“Napaka ganda sa wedding mo princess Kris Bernal congrats & happy for you ”
The post Aktres na si Kris Bernal, kinasal na sa kanyang kasintahan na si Perry Choi appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments