Alex Gonzaga, masayang ibinahagi sa followers ang ginawang pamamanhikan ng pamilya ng kanyang fiance na si Mikee

Masayang ibinahagi ng aktres na si Alex Gonzaga ang isa sa mga tinuturing nila ng kanyang fiance na si Mikee Morada na milestone ng kanilang love life.

Credit: Alex Gonzaga YouTube            

Nagsimulang magtagpo ang landas ni Alex at Mikee sa tulong ng kanilang kaibigan na si Piolo Pascual nang ito ay mag silbing tulay para makilala niya ang kanyang nobyo.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Kaya naman itong Disyembre ng nakaraang taon ay masayang ibinalita at ipinakita ng aktres sa publiko ang naging simpleng proposal ni Mikee sa kanyang habang nagbabakasyon sila sa Hong Kong.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa pagdiriwang ng ika-3 taon ni Alex sa kanyang vlogging career ay naisipan niyang gawing memorable ito sa pamamagitan ng pagbahagi sa kanyang mga follower sa naganap na pamamanhikan ng Morada family sa Gonzaga Family noong July 25.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Sa video ay bakas ang nararamdamang excitement ni Alex nang ipakita nito ang mga ginawang preparasyon ng kanilang pamilya para sa pagdating ng pamilya ni Mikee.

Ayon sa aktres ay ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang pamilya ni Mikee at kanyang pamilya sa bahay nila.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Bahagi ng kanilang preparasyon ay ang paghanda ng buffet style na dinner setup kung saan nag hire sila ng kompanya na tutulong magpaganda ng kanilang intimate dinner setup.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Sa video ay ipinakita din ni Alex ang kanilang kinuhang chef na maghahanda ng kanilang mga kakainin.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Naunang dumating ang pamilya ng ate ni Alex na si Toni at kasama niya ang kanyang asawang si Paul at anak na si Seve.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Habang hinihintay ang pagdating ng Morada Family ay nagawa pang magbiro ng aktres nang sabihin nito na makakasama niya na ang kanyang new family.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Sa pagdating ng Morada family ay mababakas naman ang kaba mula kay Alex na idinaan na lang sa pagbibiro kay Mommy Pinty na agad namang nagpakalma sa aktres.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Ipinakita naman ni Alex ang mga masasarap na pagkain na kanilang pinagsaluhan tulad ng Lechon, Pumpkin Soup, Blue Marlin Steak, at marami pang iba.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Bago matapos ang gabi ay hindi pinalagpas ni Alex na magbiro sa harap ng kanyang pamilya at pamilya ni Mikee. Pabiro niyang sinabi na kaya nila pinagmeet ang kanilang pamilya ay dahil buntis siya. Pero agad naman itong binawi ni Alex at sinabing joke lang ito.

Credit: Alex Gonzaga YouTube

“Okay guys, I have an announcement. Kaya namin kayo pinatawag dito, Elian and Seve will have a cousin! Charing!”

Credit: Alex Gonzaga YouTube

Sa pagtatapos ng video ay lubos naman ang pasasalamat ni Alex para sa kanyang mga supporters, sa kanyang Ate Toni sa pagiging entertainer nito sa naturang event at higit sa lahat ang kanyang pamilya at sa pamilya ni Mikee na kanilang nakasama sa importanteng event na ito.

The post Alex Gonzaga, masayang ibinahagi sa followers ang ginawang pamamanhikan ng pamilya ng kanyang fiance na si Mikee appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments