Sa edad na 40, ang aktres na si Ynez Veneracion ay muling biniyayaan ng supling

Kasalukuyan niyang ipinagbubuntis ang kaniyang pangalawang anak. Makikita sa kaniyang Facebook post sa kanyang official account ang ibinahagi niyang mga pictures na nakunan sa kaniyang first maternity shoot. Ayon kay Ynez, ito ang kanyang first maternity photo sh00t.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Sa unang bahagi ng kanyang caption ay ipinarating niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong nandyan para sa kanya at sumuporta lalo na sa journey nyang ito na pagbubuntis.
“I would like to thank our dear Lord for sending me this little Angel & also the people who supported me on this journey.”

Credit: Ynez Veneracion instagram

Kasunod nito ay hindi niya rin nakalimutang banggitin ang kaniyang pamilya, mga taong malapit sakanya pati na rin ang kanyang mga kaibigan na gumabay sa kaniya lalo na sa panahong ito.
Mayroon ng anak ang celebrity sa nauna niyang nakarelasyon na isang politician. Ang kanyang first child ay isang babae at siya si Princess Keilah na kanyang pinasalamatan sa pigiging mabuting ate.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Ayon kay Ynez sobrang natuwa ang kaniyang panganay nang malaman niyang buntis ang kanyang mommy dahil dati niya pa ninanais na magkaroon ng kapatid. Ang supling naman na kasalukuyan pang nasa kanyang sinapupunan ay ang first baby niya sa kanyang 27-year-old non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto.

Credit: Ynez Veneracion instagram

13 years ang agwat ng edad nina Ynez at Bryan. “I have mixed emotions and Im humbly asking a little prayer for my safe delivery.🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Thank u guys in advance & God bless us all!” dagdag niya pa sa kanyang caption sa nasabing facebook post.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Sa kanyang maternity sh00t ay mayroon siyang sinuot na iba’t ibang costumes, isa sa mga ito ay ang sikat na costume ng babaeng superhero sa Pilipinas na si Darna. Ibinahagi niya ang nasabing post noong July 8, 2021. Ito rin ang naging paraan ng pag-aanunsyo ng aktres na apat na linggo na lamang ang kanilang hinihintay ay maisisilang na ang kanyang pangalawang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ynez Veneracion (@ynez_veneracion888)

Nakumpirma niya naman ang kaniyang pagbubuntis noong Disyembre 2020. Ang magpartner na si Ynez Veneracion at Bryan Recto ay 2 yrs na na magkarelasyon. Sa unang linggo ng Agosto maisisilang ang sanggol sa pamamagitan ng caesarian section. Ayon kay Ynez, sobrang saya at excited niya ng i-welcome ang kaniyang baby.

The post Sa edad na 40, ang aktres na si Ynez Veneracion ay muling biniyayaan ng supling appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments