Juancho Trivino, masayang ibinahagi na isinilang na ng kanyang asawang si Joyce Pring ang kanilang Baby Boy

Nakilala si Juan Carlo Trivino o kilala bilang sa stage name nitong Juancho sa galing nito sa pag- arte at pagmo- model. Dahil sa angking at natural nitong kagwapuhan at talento sa pag- arte ay maraming nakakilala rito.

Credit: Juancho Trivino instagram

Matatandaang nagsimula ang career sa showbiz ni Juancho nang mag- audition ito sa isang youth- oriented television show sa GMA network na pinamagatang Teen Gen na isang sequel ng dating youth oriented drama na T.G.I.S kasama ang aktres na si Angelu De Leon at Bobby Andrews.

Credit: Juancho Trivino instagram

Matapos nitong maging parte ng Teen Gen ay naging parte na si Juancho ng iba pang mga teleserye sa GMA network at marami pang mga oportunidad ang nagbukas para rito.
Sa karera nito sa showbiz ay nakilala niya ang kanyang napangasawa na si Joyce Pring na isang magaling na TV presenter, podcast host, keynote speaker at World vision ambassador.

Credit: Juancho Trivino instagram

Nagsimula ang career ni Joyce at makilala ito sa kanyang talento nang manalo ito sa Myx’s VJ search noong 2011 kaya ito ay naging VJ. Noong 2017 naman ay naging opisyal itong GMA artist at nagsimula ang career nito sa paghohost.

Credit: Juancho Trivino instagram

Naging host ito sa isang online show noong 2018 sa GMA New Year Countdown: Buong Puso para sa kapuso at iba pang mga tevision show tulad ng The Clash at Unang Hirit sa taong 2018 din.
Noong February 9 sa taong 2020 ay ikinasal sina Juancho at Joyce at nagkaroon ang mga ito ng isang garden wedding sa Pasay City matapos nila ibalita sa publiko ang kanilang engagement noong November 2019.

Credit: Juancho Trivino instagram

Matapos naman ang isang tao ay ibinalita ng mag- asawa ang isang napaka- gandang balita kasabay ng pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang mag- asawa. nagpost ang mag- asawa sa kani- kanilang Instagram ng mga pictures ni Joyce habang halata na ang baby bump nito.

Credit: Juancho Trivino instagram

Ibinahagi nina Juancho at Joyce na magkakaroon na ang mga ito ng kanilang first baby noong February 2021 at ngayong July ay isinilang na ni Joyce ang kanilang panganay na anak ni Juancho.
Ibinahagi ni Juancho sa kanyang Instagram account ang picture ng kanyang magandang asawa na si Joyce at karga- karga nito ang kanilang bagong silang na baby boy habang nasa hospital bed pa.

Credit: Joyce Pring Trivino instagram

Labis ang nararamdamang saya at excitement ni Juancho dahil naging saksi ito sa pregnancy journey ng kanyang asawa. excited na excited ito upang maging mabuting ama sa kanyang anak at hindi mapigilan ang pasasalamat nito na maayos na ipinanganak ni Joyce ang kanilang baby na ipinangalanan nila bilang Alonso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)


Ibinahagi ni Juancho ang kanyang naramdaman sa journey nila ng mag-asawa hanggang sa makita na mismo nito ang pag-silang ng kanyang anak. Ayon dito ay lagi niyang ipapasalamat sa Diyos ang lahat at excited na ito sa next chapter ng buhay nila kasama ang kanilang unang anak ni Joyce.

The post Juancho Trivino, masayang ibinahagi na isinilang na ng kanyang asawang si Joyce Pring ang kanilang Baby Boy appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments