Baby Elias, nakasama din ang kanyang ama na si John Lloyd Cruz nung kanyang birthday

Marami ang nabigla sa isa sa mga magagaling na aktor at in- demand na aktor ngayon sa showbiz industry na si John Lloyd Cruz. Alam ng nakakarami kung gaano ito ka galing sa pag- arte at kung gaano ito kinagigiliwan ng nakakarami dahil dito.

Credit: iammajasalvador instagram

 

Hindi naman nakakapagtaka na maraming fans nito at mga Pilipino ang nakakamiss na mapanood ang magaling na aktor sa television at sa big screen kaya naman marami ang natuwa nang ginulat ni John Lloyd ang publiko sa pagbabalik nito.

Credit: iammajasalvador instagram

Matapos ang matagal na hiatus ni John Lloyd sa pag- arte at pagsho- showbiz ay matatandaang napabalita ang pagkakaroon nila ng anak sa kanyang ex- girlfriend na si Ellen Adarna at ito ay isang baby boy.

Credit: iammajasalvador instagram

Kamakailan- lamang ay nagdiwang ang kanilang anak ng ika- tatlong birthday nito na pinangalanan nila bilang Elias Modesto. Sa ika- tatlong kaarawan nito ay sinorpresa siya ng kanyang mga magulang ng double spiderman themed party na inorganisa ng kanyang magulang.

Credit: iammajasalvador instagram

Nagkaroon ito ng dalawang birthday surprise party dahil magkaibang araw ipinagdiwang nina Ellen at John Lloyd ang kaarawan ng kanilang nag- iisang anak na parehong may tema na spiderman dahil ito ang paboritong karakter at superhero ni Baby Elias.

Credit: iammajasalvador instagram

Bago ang naging kaarawan ni Baby Elias ay nagdiwang na ito ng intimate party kasama ang kanyang ama na si John Lloyd Cruz sa isang rest house nito sa Batangas kasama rito ang malalapit sa buhay ng mag- ama. Isa sa mga malalapit na tao sa buhay ni Baby Elias at John Lloyd na naroroon ay si Maja Salvador.

Credit: iammajasalvador instagram

Makikita sa Instagram account mismo ni Maja Salvador na nagpost ito ng mga letrato ng mga moments noong birthday ni Baby Elias at may caption na “HBD ELIAS!! We love you Baby Boy!!”
Sa mga letratong ibinahagi ni Maja ay makikita kung gaano ka- lapit si John Lloyd sa kanyang anak dahil mula sa unang parte ng party nito at hanggang dulo ay talaga namang naka- alalay si John Lloyd kay Baby Elias.

Mapapansin sa mga videos at letrato na si John Lloyd talaga ang nanguna sa pag- organiza ng small party ng kanyang anak dahil ito ang nagfa- facilitate sa mga entertainment na nangyari upang maging mas masaya ang kaarawan ng anak.

Credit: iammajasalvador instagram

Hindi naman binigo ni Baby Elias ang ama dahil enjoy na enjoy ito sa inihanda ni John Lloyd para sa kanya kaya naman nagpakita ito ng magagandang ngiti na talaga naman na bagay na bagay nito at nakadagdag sa cuteness na taglay niya.

Credit: iammajasalvador instagram

Hindi nag- kukulang ang mga ito sa oras, at pagbibigay ng atensiyon at pagmamahal para kay baby Elias. Hindi man parehong kasama ni Baby Elias ang kanyang magulang sa mismong kaarawan nito ay hindi namang maipag- kakailang naging masaya ito sa kanyang double surprise party.

The post Baby Elias, nakasama din ang kanyang ama na si John Lloyd Cruz nung kanyang birthday appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments