Heart Evangelista, napa-wow ang mga netizen sa mga ibinidang damit na nabili niya sa Ukay-ukay sa Sorsogon sa halagang bente pesos

Muli ay pinatunayan na naman ng Kapuso aktres at isa sa mga most-followed fashion icon sa Pilipinas na si Heart Evangelista na hindi problema ang pera para ma-achieve pa rin ang isang stylish at classy look.

Credit: Heart Evangelista Instagram     

Matatandaang January ngayong taon ay nagtrending si Heart matapos nitong magsuot ng headband na nabili niya sa isang tiangge sa Quiapo sa halagang P70 sa 2020 Paris Fashion Week.

Credit: Heart Evangelista Instagram

At kamakailan lang muli na namang pinabilib ni Heart ang netizens matapos nitong mag-upload sa Instagram ng isang litrato kung saan ay sinabi nitong nabili niya ang napakagandang suot sa Ukay-ukay sa halagang P270.

Aniya sa caption ng Instagram post, “Ukay-Ukay shopping: Sorsogon edition. I completed this look for only P270! I vlogged about this whole experience so watch out for my Youtube upload. #MahalKongSorsogon”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Maraming netizens ang hindi makapaniwala na sa ukay-ukay nabili ng aktres ang suot nitong dress. Ayon pa nga sa ilang netizens ay mukhang dinesenyo ng isang sikat na designer ang dress na suot ni Heart.

Komento pa ng isang Instagram user, “Ang galing parang galing sa Paris ang outfit mo madam!!!”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Hindi lang ito ang pagkakataon kung saan ay nagsuot si Heart ng mga damit na nabili niya sa Ukay-ukay sa murang halaga.

Sa isa pang Instagram post ay ibinida ni Heart ang suot na isang red long-sleeved cheongsam inspired top na nabili niya sa halagang P20.

Credit: Heart Evangelista Instagram

“Playing dress up with our ukay finds! Guess what? My top and @khinoocenar’s dress were both 20 pesos each! #MahalKongSorsogon,” sinabi ni Heart sa post.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang post na ito ni Heart. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

Credit: Heart Evangelista Instagram

“Hi miss heart. Thank you for posting this. Thank you for uplifting ukay shopping. It really helps us to be more proud in our thrifts item. Thank you for influencing Filipino to buy ukay clothes as well. For giving them the idea that they can still find real gems in Ukay. Thank you much po.”

Credit: Heart Evangelista Instagram

“Yup. Convinced na. Kahit basahn pa ang ipa suot sayo, mgmumukhang mahal”

Credit: Heart Evangelista Instagram

“Even in ukay2x, you look soo gooood…Master of styling, teach me how…”

Credit: Heart Evangelista Instagram

Samantala, hindi naman makapaghintay ang netizens sa susunod na YouTube vlog ni Heart kung saan ay ipapakita niya ang lahat ng damit na nabili niya mula sa kaniyang Ukay-ukay shopping.

Kasalukuyang busy si Heart sa kaniyang mga ginagawang charity work at pagdidisenyo ng mga local pieces galing sa Sorsogon kasama ang asawa nitong si Senator Francis “Chiz” Escudero.

The post Heart Evangelista, napa-wow ang mga netizen sa mga ibinidang damit na nabili niya sa Ukay-ukay sa Sorsogon sa halagang bente pesos appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments