Bea Alonzo, ini-reveal na ang naramdaman sa ginawang pagpapareha sa kanila ni Mayor Vico Sotto ng mga netizen

Kamakailan lang ay napabalita ang unang pagkikita ng aktres na si Bea Alonzo at ang batang mayor ng Pasig na si Vico Sotto.

Credit: Bea Alonzo Instagram     

Sa Instagram account ni Bea ay nagpost siya ng letrato niya na kasama si Vico. Ang post na iyon ay may pabirong caption na base sa sikat na pelikulang Four Sisters and A Wedding, “Hi Mama, nakilala ko na ang paborito mo! Joke!”

Credit: Bea Alonzo Instagram

Dahil dito ay marami ang kinilig sa unang pagkikita nila Bea at Vico. Parehong single ang dalawa kaya naman marami ang nagsabing parang bagay ang dalawa sa isa’t isa.

Hindi rin nagpahuli sa pang-aasar ang mga kaibigan ni Bea na sila Dimples Romana at Janus del Prado.

Credit: Bea Alonzo Instagram

Ang unang pagkikita nila Bea at Vico ay dahil nagturn-over ng mga donasyon ang foundation nila Bea na I Am Hope sa lungsod ng Pasig.

Credit: Bea Alonzo Instagram

Sa isang interview na ginawa ng writer na si G3 San Diego kay Bea ay inamin ng aktres na hindi siya naging komportable sa nangyaring pagpapareho sa kanila ni Vico.

Sinabi pa ni Bea na, “Nakakatuwa ‘yung mga tao. Hiyang-hiya ako kay Mayor.”

Credit: Bea Alonzo Instagram

In-explain ni Bea na hiyang-hiya siya sa nangyari lalo na dahil sa pang-aasar ng kanyang mga kaibigan sa industriya.

“Alam mo, after hiyang-hiya ako talaga. Nakakainis pa si Janus. ‘Yun ‘yung friend mo na nilalaglag ka. Alam mo ‘yun. Hiyang-hiya talaga ako sobra.”

Credit: Bea Alonzo Instagram

Bukod dito ay sinabi din ni Bea na humanga siya kay Vico dahil nakita niya kung paano siya respetuhin ng kanyang mga tao at kung paano pinapamahalaan ni Vico ang kanyang mga nasasakupan.

“Alam mo I have so much respect for him because first-hand nakita ko how his people respect him. And talaga sobrang organized sila du’n. They practice social distancing, may sistema talaga du’n. So mas tumaas ‘yung respeto sa kanya in fact.” 

Credit: Bea Alonzo Instagram

Tuloy-tuloy ang pagtulong ni Bea sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng itinayo niyang foundation na I Am Hope. Makikita sa kanyang mga social media post kung gaano ka-aktibo ang kanilang organisasyon sa pagpapadala ng tulong sa mga nangangailangan ng tulong.

The post Bea Alonzo, ini-reveal na ang naramdaman sa ginawang pagpapareha sa kanila ni Mayor Vico Sotto ng mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments