Tingnan ang magagandang litrato ng baby girl nina Vin Abrenica at Sophie Albert

Sa ika-3 months old ng baby girl nina Sophie Albert at partner niyang si Vin Abrenica ay agad silang nagset up ng isang at-home photoshoot para sa anak at pati na rin para sa kanilang family picture.
Sa pinakabagong Instagram post ni Sophie Albert, ibinahagi niya ang picture ng kaniyang mga ‘Girls’ na tumutukoy sa anak at alagang babaeng aso.

Credit: Sophie Albert instagram

Ang makikita sa picture ay ang tulog na anak niyang si Avianna na binabantayan naman ng aso niyang si Ginger. “My girls 💕” ang tawag niya sa kanila na binanggit niya sa caption.

Credit: Sophie Albert instagram

Ayon kay Sophie, noong bago mapanganak si Avianna ay nag-aalala siya tungkol kay Ginger. Ito ay maaaring dahil sa common behavior ng mga aso na minsan ay nagiging sobrang bibo. Ngunit nang paglabas na umano ni Avianna ay behave lang ang kanyang alagang aso.

Credit: Sophie Albert instagram

“I was so worried about Ginger before Avianna came. But Ginger has been so patient, protective and loving towards her little sister. I really got lucky with these 2! 🥰” dagdag niya sa post. Talaga namang mapapatunayan ito sa picture kung saan makikitang mahimbing lang na natutulog ang baby girl habang kalmado at behave naman si Ginger na nakapwesto sa likod niya.

Credit: Sophie Albert instagram

Bago pa ang post na ‘yon ay mayroon ng unang binahaging picture si Sophie bilang pasilip sa naganap na sh00t na may caption na “Our first family sh00t at home with @niceprintphoto is up on the vlog! 💕”.

Credit: Sophie Albert instagram

Nagpost rin naman si Vin Abrenica sa kanyang Instagram na isang video na nagsilbing teaser para sa kanilang vlog kung saan ipinakita ang mga naganap na paghahanda at behind the scenes.

Sa caption ni Vin ay nabanggit niyang noong una ay n@ngamba sila kung paano makukuhanan ng mga decent sh0t ang anak at kung ano ang mangyayari sa photosh00t, ngunit dahil sa tulong ng mga baby whisperers na photographers ng @niceprintphoto ay naging successful ang lahat. Mapapanood ang kabuoang sa kanilang channel na ‘Vin & Sophie’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)

“Happily collecting more and more wonderful memories with our precious little one. We are so grateful for all of you who share this journey with us!” dagdag pa nito sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)

Ayon sa 8-year celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ay pinagsisihan nilang hindi makapagset-up ng newborn baby photoshoot para sa kanilang anak kaya ngayong 3 months old na ang kanilang baby girl ay agad silang nagset-up ng isang photosh00t.
Ipinanganak ang baby girl na si Avianna Celeste Abrenica noong March 15, 2021.

The post Tingnan ang magagandang litrato ng baby girl nina Vin Abrenica at Sophie Albert appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments