Bela Padilla, pinakita ang sweet na sweet na pamamasyal nila ng kanyang nobyong si Norman

Sino nga ba ang hindi makaka- kilala sa magaling na aktres na si Bela Padilla. Sa kanyang apleyido pa lamang ay kilalang- kilala na ito ng mga Pilipino dahil ang kanyang pamilya ay pinasok din ang pagshow- showbiz noon.

Credit: Bela Padilla instagram

Sa murang edad ay nagkaroon na ng interest si Bela sa pag-aartekaya naman nagdesisyon itong pumasok sa mundo ng showbiz ngunit noong 2009 lamang talaga umarangkada ang career nito nang naging cast ito sa TV series na Totoy Bato.

Credit: Bela Padilla instagram

Mula noon at hanggang ngayon ay marami nang oportunidad ang nagbukas sa career ni Bela kaya naman mas maraming mga viewers ang nakakilala rito at nagkaroon na ito nang maraming taga- hanga.

Credit: Bela Padilla instagram

Umani rin ito ng maraming awards sa galing nito sa pag- arte dahil na rin sa kanyang mga ginampanang magagandang pelikula at teleserye. Naging parte rin si Bela ng TV series na FPJ’s Ang probinsyano kung saan ito ay naging longest running show at naging co- star nito si Coco Martin.
Hindi lamang isang magaling na aktres si Bela dahil isa rin itong magaling na film producer, film director, screenwriter, television host at brand ambasaador.

Credit: Bela Padilla instagram

Sa patuloy na pag-arangkada ng career ni Bela ay nakilala nito ang kanyang boyfriend ngayon na si Norman Ben Bay. Kamakailan-lamang ay nagpost si Bela sa kanyang Instagram account ng mga letrato kasama ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman habang pumapasyal sa Piazza del Duomo sa Florence, Italy.

Credit: Bela Padilla instagram

“Pamaypay in Italia!” saad nito sa kanyang caption kung saan makikita sa letrato na may hawak-hawak itong pula at malaking pamaypay.

Talaga namang sinusulit ni Bela ang bawat oras at panahon na kasama niya ang kanyang kasintahan dahil mayroon silang long distance relationship dahil sa layo ng bansang pinagmulan nila kaya naman hanggat maari ay pumapasyal ang mga ito at nagbabakasyon sa iba’t ibang bansa ng mag-kasama.

Credit: Bela Padilla instagram

Matatandaang noong 2020 lamang ipinakilala ni Bela sa publiko si Norman at matapos ng ilang buwan ay nagkita na muli ang mga ito matapos ang matagal na hindi pag-kikita sa bansang Turkey. Ibinahagi rin ni Bela ang mga moments nila ni Norman sa kanyang Instagram account noong Marso.

Kung saan makikitang nage-enjoy talaga ng mga ito sa kanilang bakasyon at sa pagsa-sama matapos ang mahabang panahon.

Credit: Bela Padilla instagram

Matatandaang nang i-reveal ni Bela ang kanyang Swiss boyfriend ay ibinahagi nio kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Ikinuwento nito na nakilala niya si Norman sa St. Gallen mismo habang nagsho-sh00t ito ng movie nila ni Carlo Aquino na may pamagat na “Meet me in St. Gallen” noong 2017.

The post Bela Padilla, pinakita ang sweet na sweet na pamamasyal nila ng kanyang nobyong si Norman appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments