Wilma Doesnt, engaged na sa long time boyfriend na si Gerick Parin

Kalat ngayon sa social media ang trending na engagement at pa birthday gift ni Wilma Doesnt.
Enganged na ngayon ang aktres na si Wilma Doesnt sa kanyang non showbiz partner na si Gerick Parin at napansin ng mga netizens ang kanyang nakakaaliw na magiging apelyido dahil sa consistent pa rin ito matapos makasal.

Credit: Wilma Doesnt instagram

Natanggap ni Wilma ang kanyang “best birthday gift ever” matapos magpropose si Parin sa kanyang special day noong Sabado, July 10. Ipinakita ni Wilma sa Instagram nito ang video na nagpropose ang kanyang fiancé.

Credit: Wilma Doesnt instagram

May hinohost na isang event sa resort ang aktres at dito na nga pumunta si Parin para ipakita ang engagement ring at hinging ang matamis na oo ni Wilma.
“The best birthday gift ever! Happy birthday to me!” ito ang sabi niya. “trust the process” ito rin ang qinoute ng aktres at sinabing huwag ng balik balikan ang nakaraan.

Credit: Wilma Doesnt instagram

“F0rgive yourself, respect and love yourself above all. Para mahanap ka ng taong nakatakda para sa’yo,” dagdag oa nito. Nakakuha ng atensyon sa mga netizens ang kanyang engagement sa Twitter matapos maging trending ang kanyang apeliyido.

Credit: Wilma Doesnt instagram

Sinabi ng mga netizens na hindi parin magbabago ang apeliyido niya na Wilma Doesnt dahil ang magiging apeliyido nito ay Parin. Kaya naman ang kanyang magiging pangalan ay Wilma Doesnt Parin.

Credit: Wilma Doesnt instagram

“Last name ng magiging husband ni Wilma Doesnt ay Parin. So siya na si Wilma Doesnt Parin. We love a consistent queen,” sinabi ni @jaicabajar. “Pinaglalaruan ng tadhana si Wilma. Ayaw talaga siyang gawing ‘Does,” ito ang sabi pa ng isang netizen.

Credit: Wilma Doesnt instagram

-Nakatanggap naman ang aktres ng mga congratulatory greetings galing sa kanyang mga celebrity friends na sina Regine Tolentino, Giselle Sanchez at Joey Mead, among others.
Si Wilma Doesnt ay isang single mom at mayroong tatlong anak sa kanyang naunang relasyon. Sumikat si Wilma sa industriya ng showbiz bilang isang model at komedyante.

Credit: Wilma Doesnt instagram

The post Wilma Doesnt, engaged na sa long time boyfriend na si Gerick Parin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments