Solenn Heussaff at Anne Curtis, nagtayo ng business ng mga baby clothes na talagang magugustuhan ng mga mommies!

Hindi naman mapagkakaila sa social media ang closeness ng mag sister-in-law na sila Anne Curtis at Solenn Heusaff at ang closeness na ito ay kitang-kita sa latest post ni Anne Curtis sa kaniyang Instagram Account.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang post ay naglalaman ng larawan na magkayakap ang dalawa at may caption na, “Love hormone overload. Finally, we are sharing @tilidahli with you today at 12nn! 💫 We are soooooo excited!”
Ang tilidahli ay isang project nina Anne at Solenn na kung saan ito ay isang website na nagbebenta ng mga essentials ng mga baby tulad ng damit.

Credit: Solenn instagram

Ang pangalan ng project nila na tilidahli ay mula sa pinagsamang pangalan ng kanilang mga anak. Ang anak nina Solenn at Nico Bolzico na si Thylane Katana na tinatawag ding Tili at ang anak nina Anne at Erwan na si Dahlia Amélie.

Credit: Solenn instagram

“born from the love we have for our baby girls,” kanilang pahayag. Ang project ay inanunsyo nila noong mga nakaraang araw sa kani-kanilang mga Instagram accounts. At ito ay binuhos ng suporta sa mga netizens.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang Tilidahli ay isa umanong sustainable brand dahil ayon sa isang post ay sinabi nila na ito ay “friend of the environment” at sinabi ring, “do our part to make the world a better place for our little ones.”
Sa ngayon ay makikita sa kanilang website na iba’t ibang klase ng mga baby clothes ang for sale tulad na lamang ng mga Rompers, Body Suits, Onesies at dresses. Ang maganda pa rito ay ang mga produktong iyon ay 100% organic.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang pagiging eco-friendly ng brand ay pinuri rin ng mga maraming netizens dahil ikinagalak nila na maraming mga brand ngayon ang mas pinipili na maging sustainable brand na makakatulong sa ating kalikasan.

Nagpakasal si Anne sa kapatid ni Solenn na si Erwan noong taong 2017 at ang kanilang anak na si Dahlia ay isang taong gulang na ngayon. Sa kabilang banda naman ay ang anak nila Solenn at Nico na si Tili ay isang taong gulang na rin.

The post Solenn Heussaff at Anne Curtis, nagtayo ng business ng mga baby clothes na talagang magugustuhan ng mga mommies! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments