Donya Tesoro, pinahanga ang mga netizen dahil sa mga magagandang nyang litrato

“Lagi mo nalang ako sinasapawan Rafa. Iniba talaga steps. #LoveH@teRelationshipWithTheSec #FarmGirls #tiktokgirls kunawari si future yung (emoji ng puno) #ByeWeekend.” ang caption ni Mayor Donya Tesoro sa kaniyang Instagram post na naglalaman ng tatlong video kasama ang sekretaryang si Rafael Garcia at tatlong pa niyang larawan.

Credit: Donya Tesoro instagram

Si Doña Cresencia “Donya” Reyes Tesoro ay ang 28 taong gulang na mayor ng San Manuel, Tarlac.
Si Mayor Donya ay anak ni Benajamin “Bening” D. Tesoro na dating Mayor din sa San Manuel at ngayon ay nanunungkulan bilang Vice Mayor ng kaniyang anak.

Credit: Donya Tesoro instagram

Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts degree in Communication sa Miriam College at naging councilor ng kanilang lugar o bayan mula sa taong 2013 hanggang 2016. Sa taong 2016 ay nanalo siya bilang Vice Mayor ng San Manuel at sa taong 2018 ay nakuha naman niya ang kaniyang master’s degree in Public Management sa Ateneo School of Government habang siya ay nanunungkulan.

Credit: Donya Tesoro instagram

Siya rin ang Executive Vice President ng Lady Local Legislators League ng Pilipinas mula sa taong 2016. Nang manalo siya bilang Mayor noong 2019 ay napabilang siya sa listahan ng mga “Millenial Mayors” ng Mega Manila.

Credit: Donya Tesoro instagram

Kasalukuyang pinapakita ng Mayor kung paano magagamit sa mabuting paraan ang social media para sa mabisang komunikasyon at pinaka-aktib0 siya sa Facebook kung saan lagi siyang nag-a-update para sa mga tao ng San Manuel.

“One of the biggest factors why I won is because I created a community on Facebook on those from San Manuel, they are able to see it and say, ‘Oh! She’s been doing so much. The town has changed a lot,” aniya sa isang panayam.

Credit: Donya Tesoro instagram

Hindi naman maipagkakaila na may itsura ang mayora na may mahigit 76 na libong followers sa Tiktok at may mahigit 246 na libong followers sa Instagram kaya naman hindi naiwasan ng mga netizen na iret0 siya sa kasalukuyang mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto.

Credit: Donya Tesoro instagram

The post Donya Tesoro, pinahanga ang mga netizen dahil sa mga magagandang nyang litrato appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments