Dating aktres na si Donita Rose, isa na ngayong chef sa Amerika

Anim na buwan na ang nakakaraan mula ng lumipat si Donita Rose Cavett sa United States. At ngayon, matapos ang ilang buwan ay nakahanap na rin ng trabaho si Donita na talagang gustong gusto din naman niya.

@dashofdonita instagram

Sa vlog na mapapanood ni Donita, makikita si Donita na nag eenjoy at masaya siya ngayon sa kanyang trabaho bilang isang chef at siya ay lilipat na rin sa Los Angeles City.

“It’s been six months for me here in the States and nu’ng medyo mahir@p pero ngayon medyo masaya na ulit. I’ve been spending time with my family and I’m moving to LA and I have a job,” saad ni Donita.

@dashofdonita instagram

Kaya naman, proud na proud talaga si Donita sa kanyang bagong trabaho,
“So you are looking at a Chef for Research and Development.” Matatandaang 2013 noong ibinahagi ni Donita sa isang interview sa ABS-CBN News kung bakit siya nagdesisyon na lumipat ng US.

“Nung nag-aral ako they kept asking me ‘are you sure? If you want you can do beginners’ course lang tapos tingnan mo kung gusto mo.’ No. I want to go all the way, I’m ready for this. ‘Are you sure? Kasi you’re gonna have to really focus on this, not your pagaartista,” sabi pa ni Donita.

@dashofdonita instagram

Dagdag pa niya,
“No, I’m ready. Ayaw talaga nilang maniwala. They’re like, ‘are you sure you’re ready to give up on your career na you’re already established? I’m the kind of person who likes to go ag@inst the flow.”

Bago pa man ang kanyang present work ngayon, siya ay nagtrabaho din bilang chef sa Kumi Restaurant sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

@dashofdonita instagram

Bukod naman dito, pinasok din ni Donita ang showbiz at pagiging VJ sa MTV Asia at naging host na rin ng morning talk show na Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.

The post Dating aktres na si Donita Rose, isa na ngayong chef sa Amerika appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments