Mga Netizens, napansin ang magandang katawan padin ni Sheena Halili matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Martina

Agaw pansin sa mga netizens ang bagong post-preganancy picture ng kapuso actress na si Sheena Halili noong Lunes, February 22 sa kanyang social media account. Inulan kaagad ito ng papuri mula sa kanyang mga followers at mga kaibigan na artista.

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

Sa nasabing picture makikita na ginagawa niya ang kanyang mommy duties na pagpasayal sa ang kanyang baby girl na Martina. Sa caption ng aktres, sinabi nito na “Morning stroll! @babyzenphilippines’ stroller got you covered, anak! Literally! No need for mommy to worry going outside, riding the elevator, and visiting the doctor because my baby is obviously safe inside this cocoon-like stroller! Osiya, stroll muna kami! See ya!”

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

Bagamat simple lang ang suot ng aktres, talaga namang lutang na lutang ang kanyang kasexy-han at parang hindi mo mababakas na kakapanganak pa lamang niya sa kanyang panganay.
Heto nga ang kumento ng mga netizens para kay Sheena:

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

“Yung parang ako ang nanganak at hindi ikaw.”
“Hvstisya naman po sa kat@wan ko s3xy mom.”“Kainis parang hindi ka nanganak. Hihi s3xy pa rin.”
“Grabe naman parang di lang nanganak s3xy pa rin. Ako d@mbuhala na.”

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

Maging ang mga artistang sina Chariz Solomon at Charee Pineda ay napa comment ng bakit wala na daw itong puson at napaka s3xy agad agad. Dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas matapos ipanganak ni Sheena si baby Martina kaya talaga namang nakakamanghang na achieve agad nito ang napaka s3xy na figure.

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

Si Sheena ay produkto ng kapuso talent search na Star Strucks at higit itong nakilala noong taong 2007 matapos gumanap bilang Monica sa teleseryeng MARIMAR. Ikinasal ito sa abogadong si Jeron Manzanero noong January 2020. Bagamat nag laylow muna sa showbiz matapos mag asawa, mababanaag naman sa mga posted pictures ni Sheena sa kanyang social media account na isang siyang happy wife at hands on mommy sa kanyang 2 months old baby.

Credit: Sheena Yvette Halili- Manzanero instagram

The post Mga Netizens, napansin ang magandang katawan padin ni Sheena Halili matapos ipanganak ang kanyang baby girl na si Martina appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments