Aiai Delas Alas, may simple ngunit napaka sweet na mensahe sa kanyang asawa para sa kanilang 7th wedding anniversary

Isa sa mga couple na napakasaya at nakaabang ang kanilang mga fans at netizens ay ang couple na sina Ai-Ai delas Alas at kanyang partner na si Gerald Sibayan. Napakabilis lang ng panahon dahil sila ay nagdiriwang ng kanilang 7th anniversary noong Monday, April 12.

Makikita nga naman sa social media kung gaano sila kasaya sa isa’t isa. Di maipinta ang kanilang mukha sa sobrang tuwa sa kanilang pag-iibigan. Ano pa man ang kanilang napgdaanan, napagtagumpayan nila ang lahat.

Sa IG ni Ai-ai ay makikita, ang kanyang simple pero nakaka touch na mensahe para sa kanyang asawa, “Habang buhay kitang mamahalin. Maligayang 7 taong pagsasama aking darling… Literal na maligaya.” Kalakip naman ng mensahe niyang ito ay makikita ang video ni Ai-ai at Gerald na magkasama. Nakakakilig nga naman ang mensaheng ito ni Ai-ai.

Kaya naman, narito naman ang mensahe ni Gerald para kay Ai-ai. Sa post nito, ay makikita ang mga hashtag na #7thYearAnniversary. #412, at #7/7. Narito naman ang pagbati at mensahe ni Gerald para kay Ai-ai. “Happy 7th anniversary, my forever date. I love you so much, Darl,” mensahe ni Gerald.

Matatandaang kailan lang noong ikinasal si Ai-Ai at Gerald sa King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 2017. Matatandaang sila ay nagkita at nagkakilala noong
2014 sa isang badminton game.

Masayang-masaya naman ang mga netizens at suportado sa kanilanh dalawa. Narito ang kanilang mga komento at pagbati para sa kanila.
“God bless miss ai more years to celebrate…”
“Happy 7th yrs..Anniversary Ai-Ai and to your hubby..congrats..”

“Idol talagang bless ka. Having Gerald napakaloving niya at. Sobrang mahal. Ka
Stay in love God bless you always💚🧡♥💙💜❤” “Congrats!.. Happy 7th wedding anniversary.. God bless po sainyong dalawa.. Love ko ito si Ai ai.. 💖💖💖” “Ganda babae Ai Ai ohhhhhh pogi asawa nya. Congrats to both of U. Put God first in Ur life.”

The post Aiai Delas Alas, may simple ngunit napaka sweet na mensahe sa kanyang asawa para sa kanilang 7th wedding anniversary appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments