Aktor na si Polo Ravales, masayang ibinahagi na sya ay magkakaron na ng anak sa fiancee na si Paulyn Quiza

Kailan lamang ay inanunsyo ni Polo Ravales is na siya ay magiging ama na.Nagbigay ng balita ang aktor noong Lunes, April 5, na siya ay magiging ama na for the first time kasama ang kanyang fiancee na si Paulyn Quiza, isang fitness coach.

Credit: Polo Ravales instagram

Makikita sa Instagram post ng aktor ang sonogram ng kailang baby at ito ang kaniyang caption “Thank You Lord for this miracle and blessing.” Para naman kay Paulyn, pinost niya ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram stories.

“They’re asking if I have a baby bump. Here’s me and Baby P [at] 15 weeks,” ito ang kanyang isinulat. Naikwento naman ni Polo sa kanyang previous interview kasama ang Kapamilya host na si Boy Abunda kung paani nga ba sila nagkakilala ni Paulyn.

Credit: Polo Ravales instagram

“Nagkakilala kami December 26. December 25, Tito Boy, I wasn’t feeling happy parang may kulang. E parang nung mga panahon na yun sabi ko I’m single so I can date like whoever,” ito ang sambit ni Polo.

Dagdag pa niya “Umalis ako, kasama ko yung friend ko na gay. Lumabas kami gumimik kami tapos nagkukwentuhan kami. Sabi ko parang sawa na yata ako mag-date, sawa na ako na to be single. Gusto ko meron na talaga akong diretsong path tapos December 26 dun ko siya nakilala.”

Credit: Polo Ravales instagram

Ayon kay Polo, noong una niya itong makita, iba ang feeling nito. Dagdag pa niya, parang matagal na niya itong kilala at totoo naman pala ito. Kaya naman, para kay Polo unexpected daw ang pagpasok ni Paulyn sa kanyang buhay. Sa ngayon, fiancée na ni Polo Ravales si Paulyn.

Credit: Polo Ravales instagram

Marami naman ang nakisaya sa balitang ito at narito ang kanilang komento:
“Kuya kuya! I’m so excited to see my pamangkin! ❤ love youuu kuya! Baby in the fam!!!!”
“Congrats p&p! Can’t wait to meet your bundle of joy!

The post Aktor na si Polo Ravales, masayang ibinahagi na sya ay magkakaron na ng anak sa fiancee na si Paulyn Quiza appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments