Arci Munoz, ibinunyag na ang relasyon nila ng kanyang bestfriend na si JM De Guzman

Isa daw sa magandang pundasyon ng isang relasyon ay ang pagiging magkaibigan. Sabi kasi nila, mas makikilala niyo ang isa’t isa sa sapat na oras at samahan na nabubuo ninyo habang tumatagal.
Gaya na lamang ni Arci Muñoz at JM de Guzman. Kilala sila bilang mag bestfriend talaga. At masasabi mo nga naman talagang sangga sila sa lahat ng bagay.

Kaya naman, marami ang na sorpresa at talagang tuwang tuwa nang ibalita sa atin ni JM at Arci na next level na pala ang kanilang relasyon. Official na ang dalawa at makikita ang kanilang updates sa IG.

Ibinahagu ng bokalista ng bandang Philia ang video ni JM na nagbibigay ng bulaklak sa tabing dagat ng Boracay. Maririnig mo dito si JM na nagsabing,
“matagal na tayong mag-best friends pero, pwede bang manligaw?” Makikita mo naman sa caption ang kilig na talagang nangibabaw, “just really glad that the whole family was able to witness this beautiful moment.”

Samahan mo pa ito ng mga hashtags na #mayforever at #frombestfriendstolovers.
Marami tuloy mga netizens ang nagkomento at tuwang tuwa sa kanila. Nag iwan naman ng simpleng smiley emoji si JM Habang si Arci ay nagsabi na magbibigay siya ng mga detalye sa isang vlog sa Lunes.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Yay! so happy to the both of you my dearest Ate Ramona at Kuya JM😍💕
“Natatandaan ko pa yung guesting mo sa GGV kung may isang male actor na hindi mo jojain kahit anong mangyare ang sabi mo “Hindi ko nakikitang maging kami kasi Bestfriend ko yun” Neways congrats d mo nman talga madidiktahan ang puso 😅💗

“Atleast di man natapos ang teleserye na pamilya ko. In real life si Chico and Betty nagkatuluyan na talaga 🥰😍” “So happy to the both of you. Esp. to Ate Arci.
Kuya JM, sana wag mo din syang saktan.” “Hope mging cla n forever, we all know qng gaano cla mgmahal, lalo n c jm😊

The post Arci Munoz, ibinunyag na ang relasyon nila ng kanyang bestfriend na si JM De Guzman appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments