Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, lumipad pa Los Angeles para sundin ang kanyang pangarap

Nakikita sa post ng sikat na artista na si Ruffa Gutierrez ang pagbabalik ng kanyang panganay na anak na si Lorin Gutierrez sa Los Angeles, California. Bumalik si Lorin sa Los Angeles para sa kanyang college. Itong post na ito ay makikita sa Instagram account ni Ruffa noong April 5 kasama ang mga litrato ng kanyang anak.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez instagram

“My baby girl @loringabriella is growing up, graduating high school in June and will fly the nest to follow her dreams real soon,” ito ang sabi ni Ruffa sa kanyang caption.
Ayon pa kay Ruffa lagi itong nakaantabay sa kanyang anak at hindi mawawala sa tabi nito.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez instagram

Dagdag pa ni Ruffa, “@venicebektas and I will always be here for you when you need to rest your wings. I know you just left but come home fast. It’s so quiet here! We love you.”

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez instagram

Noong 17 taong gulang pa lamang si Lorin, dito siya unang pumunta sa United States upang kunin ang kanyang pre-college course sa kanyang dream school at ito ang University of California Los Angeles (UCLA) noong 2019.

Noong panahon na iyon, ang kanyang ina ay may halong emosyon na masaya at kinakabahan dahil ito ay malalayo sa kanya upang mag aral. “She knew that this would be a great opportunity for me and didn’t hesitate to allow me,” ito ang sinabi ni Lorin sa kanyang interview sa Cornerstone Entertainment.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez instagram

“UCLA is my dream university and I hope to study there after high school, but it’s incredibly hard to get into for actual college so I’m making sure to keep my options open.”dagdag pa ni Lorin sa nasabing interview. Nabanggit din ni Lorin sa ibang interview na nais niya rin ipursue ang degree niya sa business. Si Lorin ay anak ni Ruffa sa kanyang ex husband na si Yilmaz Bektas, Turkish businessman.

Credit: Lorin Gabriella Gutierrez instagram

The post Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, lumipad pa Los Angeles para sundin ang kanyang pangarap appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments