Tingnan ang mga bagong litrato ng anak ni Assunta De Rossi na si Fiore na nagbibigay aliw talaga sa mga netizens

Yes, #yourroyalhighness” #buongiornoconnoi @assuntaledesma @msderossi @vargherita @babyblackfeet #theflowerestofthemall #ourflowerfromheaven #bellissima #fiorissima #miraclebaby #beautifiore #dailyfiore #thatsamore #fioretales” ito ang caption ng aktres na si Assunta De Rossi sa kanyang post sa kanyang Instagram Account.

Makikita dito sa post ang kanyang limang buwan na anak na si baby Fiore. Sobra ang saya ni Assunta bilang ina dahil matapos ang ilang taon na pagsasama ng kaniyang asawa ay nabiyayayaan na ito ng anak.

Sa post noon ng aktres, nagpost siya ng picture ng kanyang anak na si Fiore kasabay ng wedding anniversary nila ng kanyang asawa na si Jules Ledesma.

“Today is our 18th anniversary. Had I given birth in 2002, we would have had a debutante by now. Well, here she is. She arrived late, our little chick,” ito ang sambit ng aktres.

Si Fiore ay isang miracle baby para sa kanilang mag asawa dahil hindi inakala ni Assunta na siya magkakaanak dahil sa kanyang s@kit.
“I know, sh0cking! Getting pregnant the natural way with my0m@ and 3nd0metri0s@s (which I both have) is extrem3ly d!fficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen,” dagdag pa ng aktres.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Assunta dahil siya ay nabigyan ng isang malaking blessing at ito ay si Fiore.

Makikita sa Instagram account na ito na sobra ang atensyon at alaga ni Assunta sa kanyang anak. Labis ang tuwa at pagmamahal na ibinibigay ni Assunta para kay Fiore.

“It’s a lot of hardwork, pero I cherish the times. Kasi dadating sa point na hindi ka na niya kailangan and it goes by so fast. Wala ng take two ‘to!” ito ang sinabi ng aktres sa kanyang pagiging ina.
Samantala, full support naman ang kanyang kapatid na si Alessandra sa pagiging ina ni Assunta.

Tinawag niya pa nga itong “superhero” noong binati niya ang kanyang kapatid para sa kanyang kaarawan.

The post Tingnan ang mga bagong litrato ng anak ni Assunta De Rossi na si Fiore na nagbibigay aliw talaga sa mga netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments