Carla Abellana, masayang ibinahagi na sya ay engaged na sa kanyang kasintahang si Tom Rodriguez

Ang sikat na loveteam at magkasintahan na sila Carla Abellana at Tom Rodriguez ay engaged na sa wakas. Ito ay ipinaalam ng couple sa publiko ang kanilang engagement sa isang Instagram post ni Carla Abellana na may caption na “A million times, YES” kasama ng kanilang larawan na nagpapakita ng kanilang engagement ring.

Credit: Niceprintphoto instagram

Samantalang si Tom naman ay naglagay ng quote ni Pablo Neruda na isang Nobel prize winner at narito ang nakasaad, “I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”

Credit: Niceprintphoto instagram

Ayon sa post ng Nice Print Photography ay sinabi na sina Tom at Carla ay naging engaged na umano noong Oktubre. Ang couple ay naging magkasintahan na noong 2014 at ngayon ay engaged na sila na ikinatuwa ng maraming fans na matagal nang inaabangan ang pagiging engaged ng dalawa.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ayon sa interview ng GTalk TV Show kay Tom na inupload sa Youtube noong nakaraang Martes ay tinanong si Tom kung kelan ba niya bibitawan ang mahalagang tanong kay Carla o kung kailan nga ba siya magppropose sa dilag at narito naman ang sagot ni Tom, “We never know,” sagot ni Tom.

Credit: Niceprintphoto instagram

“When we’re ready — people might know and you never know if it’s already happened or not,” dagdag pa niya.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ayon rin kay Tom ay masasabi niya talaga na si Carla na talaga ang matuturing niya bilang “The one” para sa kaniya. At nang tanungin si Tom sa nasabing interview na kung kelan ba siya huling pin@iyak ni carla at ang sagot niya ay,

Credit: Niceprintphoto instagram

“It was just October 18 it’s like a look look that she gave me that my heart swell.” Na tila ba’y nagbibigay ng hint sa nasabing engagement nila ng aktres.

Credit: Niceprintphoto instagram

Maraming natuwang netizens sa announcement ng dalawa sa Social media. Agad-agad naman silang binati ng kanilang mga matatalik na kaibigan sa larangan ng showbiz na sila Heart Evangelista, Erich Gonzales, Rayver Cruz, Jodi Sta. Maria, Solenn Heussaff at marami pang iba ukol sa kanilang pagkakaengaged.

The post Carla Abellana, masayang ibinahagi na sya ay engaged na sa kanyang kasintahang si Tom Rodriguez appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments