Ang aktres na si Sunshine Cruz ay proud na proud sa kaniyang mga anak dahil hindi lamang sila ubod ng ganda kundi mayroong angking kagalingan rin sila sa larangan ng pag-aaral at madiskarte rin sila sa kanilang career sa buhay.
Ipinahayag ni Sunshine ang kaniyang kagalakan sa kaniyang mga anak sa kaniyang mga Social Media accounts. Sa latest Instagram post nya noong Enero 4 ay ibinahagi nya kung gaano sya kaproud sa kaniyang tatlong anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca.
Una ay binanggit nya na ang panganay niya na si Angelina ay mayroon ng first lock-in taping sa TV 5 na kung saan kasama nya ang ilan sa mga sikat na pangalan sa industriya ng Showbiz na sila John Estrada at Ellen Adarna.
Sunod naman ay ang middle child na si Samantha naman ay nakatapos ng isang iWant Series at isa na ring Semi-regular performer sa ASAP Natin ‘to sa ABS-CBN. Si Samantha ay ipinakilala bilang bagong kabilang sa Gold Squad o ang mga gumanap sa palabas na Kadenang Ginto na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.
Hindi naman magpapahuli ang kanilang bunso na si Chesca na namamayagpag naman sa kaniyang mga Academics. Ayon kay Sunshine na si Chesca ay isang honor student sa kaniyang paaralan.
Kitang-kita sa post kung gaano napapahalagahan ni Sunshine ang mga nararating ng kaniyang mga anak. Sa caption ng post ay narito ang nakalagay, “I don’t know what I have done to deserve such wonderful children. I am blessed and will always be proud of these three. Galingan niyo mga anak. Mahal ko kayo!”
Sa post ni Sunshine ay nag-iwan ng komento ang kaniyang mga anak nagsasabi na mahal nila ang kanilang ina.
Mayroon ring mga sikat na celebrities tulad nila Karla Estrada, Darla, Geneva Cruz at Nikki Valdez ang nag-iwan ng komento sa post na nagpahatid ng suporta at sinabing proud sila para kay Sunshine at sa kaniyang mga anak.
The post Sunshine Cruz, sinabing proud na proud sya sa kanyang tatlong anak dahil sa mga achievements nila ngayon appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments