Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagdiwang ng kanilang ika-6 na anibersaryo bilang mag-asawa

Nagdiwang sina Kapuso “Primetime Queen and King” Marian Rivera at Dingdong Dantes ng kanilang ika-6 na anibersaryo bilang mag-asawa.

Credit: @marianrivera Instagram     

Matinding “kilig” ang hatid nina Marian at Dingdong sa kanilang mga tagahanga matapos silang magpalitan ng sweet messages sa isa’t isa sa Instagram.

Binati nila ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account. Ipinost nina Marian at Dingdong ang litrato nilang mag-asawa na magkayakap habang nasa isang beach.

Credit: @marianrivera Instagram

Kitang-kita sa litrato ang walang kupas na pagiging sweet nina Marian at Dingdong sa isa’t isa na naghatid ng kilig feels sa mga netizen.

Bati ni Marian kay Dingdong, “To my life…Happy 6th!”

Sinabi naman ni Dingdong na magpahanggang ngayon ay in love na in love pa rin siya kay Marian.

“Obvious bang gigil na gigil pa rin ako sa iyo? Happy 6 years, my love!” pabirong saad ni Dingdong sa caption.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Bukod sa pagsi-celebrate nila ng kanilang wedding anniversary ay naging family bonding na rin nina Marian at Dingdong ang pagpunta nila sa isang beach resort.

Enjoy sa kanilang beach getaway ang mga anak nina Marian at Dingdong na sina Zia at Ziggy. Sa isang litrato na ibinahagi ni Dingdong ay makikita ang father-and-son bonding nila ni Ziggy. Kitang-kita rin ang saya sa mukha ni Ziggy habang nagtatampisaw sa dagat.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Ibinahagi naman ni Dingdong na hindi umano niya makakalimutan ang saya ni Ziggy noong unang beses na naligo ito sa dagat.

“I will never forget how happy this boy was when he first encountered the sand and water on his feet,” ani Dingdong sa caption ng litrato nila ni Ziggy.

Dagdag pa ni Dingdong, “When this pandemic started, he hasn’t even walked yet! But now look— he’s become my beach buddy!”

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Sinabi rin ni Dingdong na nagpapasalamat siya dahil nakapagbakasyon silang magpamilya.

Aniya, “I am just so grateful that we have been given this opportunity to freely run around and appreciate nature inside this bubble, without fear of getting anything unwanted. 🙏🏼

Pinusuan naman ng maraming netizens ang mga litrato na ibinahagi nina Marian at Dingdong na kuha mula sa kanilang masayang beach getaway.

Credit: Dingdong Dantes Instagram

Sina Marian at Dingdong ay ikinasal noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Church sa Cubao, Quezon City.

The post Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagdiwang ng kanilang ika-6 na anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments