Iya Villania Arellano pinakilig ang mga netizens matapos nitong ipost sakanyang instagram account ang kanyang birthday greetings para sa kanyang mister na si Drew Arellano

Nito ngang Sabado, January 16, nag celebrate ang kapuso tv host na si Drew ng kanyang ika 41st birthday.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Bilang pagbati, ipinost ni Iya ang kanilang Family picture at nilagyan ng sweet na sweet na caption na “happy to have you, just not happy when you leave a m3ss, but I’ve gotta give it to you, you do always bring my dirty plates to the sink always thankful for you even if I don’t say it. Hope you enjoyed your birthday yesterday, love. Happy birthday! I love you!”

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Agad naman itong sinagot ni Drew sa comment section ng “Uy uy uy. Maliligo na ako! Wohooooo!” na umani agad ng maraming likes at comments mula sa mga netizens. 16 years ng magkarelasyon ang dalawa at hanggang ngayon buhay na buhay pa rin ang kanilang sweetness.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Matatandaang 10 years couple na ang dalawa ng mapag desisyunan na nilang magpakasal noong January 31, 2014 sa bayan ng Nasugbu, Batangas. Sa kasalukuyan, mayroon na silang tatlong anak.

Ang panganay nila na si Antonio Primo na ipinanganak noong August 2016; Alonzo Leon naman na winelcome nila noong August 2018; at ang kanilang very pretty unica ija na si Alana Lauren na isinilang ni Iya Last year, July.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Lubhang napakasweet ng pagsasama ng mag-asawa na makikita sa kani-kanilang mga instagram post at mababanaag sa sigla at liwanag ng knilang mga mukha sa kanilang mga family picture.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Sa tagal na nang kanilang pagsasama ay tila para pa din silang nagliligawan. Sa katunayan, December last year ng magtrending rin ang dalawa matapos mag post si Drew sakanyang social media account na parang inaasar niya ang kanyang misis na gusto pang humirit ng isang anak at talaga namang hanggang ngayon nabibighani pa siya sa beauty nito.

Ito marahil ang sikreto ng masayang pamilya at pagsasama nang magasawang Drew at Iya na siguradong kaiingitan ng lahat ang sweetness. Kaya naman isa sila sa mga pinaka susubaybayan na real life couple ng mga Pinoy.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Bukod sa pagkakaroon ng magandang buhay at trabaho ng mag-asawa ay mayroon pa silang masayang pamilya na minimithi ng lahat. Kaya naman Cheers! sa pagdiriwang ng kaarawan ni Drew at sa nalalapit nilang anibersaryo.

The post Iya Villania Arellano pinakilig ang mga netizens matapos nitong ipost sakanyang instagram account ang kanyang birthday greetings para sa kanyang mister na si Drew Arellano appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments