Netizens, tawang tawa sa cute na litrato ni Baby Summer habang nakasuot ng seatbelt na halatang pinagkatuwaan nanaman ng kanyang ama na si Paolo Contis

Sa instagram ni Paolo Contis ibinahagi nya ang larawan ni Summer kung saan nakasuot sya ng pantulog na hello kitty habang nakasakay ito sa sasakyan at naka seatbelt pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Narito ang sabi ni Paolo sa kanyang caption, “PAALALA: Laging mag suot seatbelt! Tingnan niyo naman si Summer.. safe na safe! 😂
Disclaimer: Joke po ito! Kaya kung sinong may plano na mag marunong sa comments, huwag mo nang ituloy! 😂

Credit: Paolo Contis instagram

Nag iwan naman ng komento ang partner nya na si LJ Reyes at sinabi na,
“Di ako sure kung san ako mac0concern eh. Na pinaglaruan mo nanaman sya habang di ako nakatingin or pinipilit mo pa rin yang pantulog na yan sa kanya 😅” Natatawang sabi ni LJ Reyes.

Credit: Paolo Contis instagram

Labis rin ang tuwa ng mga Netizen tuwing may makikitang post ng komedyante na si Paolo na kasama si Summer, May mga nag aabang rin ng kanilang mga videos at di nga ito pinapalagpas ng kanilang mga fans.

Credit: Paolo Contis instagram

Sa youtube channel naman ni Paolo Contis ibinabahagi nya ang kaganapan sa kanilang buhay bilang isang pamilya, tulad nalang ng “a day in a life” kung saan nag bakasyon silang magpapamilya.

Credit: Paolo Contis instagram

Hindi nga mapigilan matawa tuwing magkakasama ang pamilyang Contis na para bang walang problema dahil sa saya na makikita sa kanilang mukha. Madalas nga kung mag kulitan ang mag amang Paolo Contis at Summer.

Credit: Paolo Contis instagram

Sa videos na binabahagi ni Paolo ay makikita na tinuturuan nya nga kung paano umarte si Summer sa harap camera. Napaka husay na nga umarte ni Summer at talagang nakikinig sa turo ng kanyang daddy Paolo.

Credit: Paolo Contis instagram

Sa kanilang mga followers nga ay may mga nag sasabi kung gaano ka sila ka perfect bilang isang pamilya dahil puro saya ang nakikita. Marami naman ang natutuwa kung paano itrato ni Paolo ang kanyang baby girl na si Summer. At parang mag best friend nga sila kung mag usap.

Credit: Paolo Contis instagram

The post Netizens, tawang tawa sa cute na litrato ni Baby Summer habang nakasuot ng seatbelt na halatang pinagkatuwaan nanaman ng kanyang ama na si Paolo Contis appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments