Dimples Romana, sinabing hindi makapaniwala na sya ay makakapagpatayo ng isang restaurant sa Singapore

Isang ehemplo si Dimples Romana sa mga taong nangangarap at patuloy na nagtatrabaho para sa kanilang pangarap sa buhay.

Credit: Dimples Romana instagram

Pinatunayan ni Dimples ang bagay na ito na walang imposible sa isang taong nagpupursigi gaya niya. Sino ba naman ang makakaisip na makapagpapatayo siya ng isang restaurant sa ibang bansa?
Maging si Dimples ay hindi rin makapaniwala hanggang ngayon pero nangyayari na ito ngayon pa lamang. Sa katunayan, ito ang unang negosyo na itatayo ni Dimples sa labas ng bansa.

Napag alaman at kumpirmado ito nang mag post si Dimples sa IG ng mga dishes na ihahain at i ooffer sa Singaporean restaurant. Wala daw talaga sa plano o sa isip ni Dimples ang
matatamasa niya ang tagumpay na ito.

Credit: Dimples Romana instagram

“Never in our wildest dreams did we ever imagine @boyetahmee and I will have a business venture outside of the Philippines and a posh restaurant in Singapore at that,” saad ni Dimples.

Credit: Dimples Romana instagram

lnaasahan na magbubukas.ang nasabing restaurant ni Dimples na
“Alegria Singapura” sa darating na Pebrero 2021 na mag ooffer ng mga “non-traditional Latin-Asian plates.” Ito naman ay matatagpuan sa Teck Lim Road at hanggang ngayon ay under construction pa ito.

Credit: Dimples Romana instagram

“@alegriasgp is now on [the] construction phase and will hopefully open end of the first quarter of 2021! We are so blessed to have found the best partners,” pagpapatuloy pa nito.

Credit: Dimples Romana instagram

Sa panayam kay Dimples, gusto niya daw na maging international na at maibahagi dito ang sarap ng lutong Pinoy upang ipakita nga naman ang panlasa at kulturang Pinoy.
Kaya naman, payo naman niya sa kanyang mga kakilala na papasok sa anumang negosyo, “When you decide to become an entrepreneur, first you must find people who share the same vision as you do.”

The post Dimples Romana, sinabing hindi makapaniwala na sya ay makakapagpatayo ng isang restaurant sa Singapore appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments