Tumatak sa maraming netizens ang sikat na YouTube vlogger na si “The Hungry Syrian Wanderer” o Basel Manadi sa tunay na buhay dahil sa kanyang pagiging matulungin at mapagbigay sa mga tao.
Kamakailan ay nag-viral muli si Basel matapos niyang patawarin ang isang drayber na nakab@ngga ng kanyang sasakyan.
Sa isang Facebook post nitong December 4, ibinahagi ni Basel ang ilang larawan na kinunan niya para idokumento ang nangyaring aks!dente.
Sa kanyang FB post, ikwenento ni Basel na patungo siyang Pasig City mula Las Piñas City para puntahan at tulungan ang nag-viral sa Facebook na matandang basahan vendor nang mab@ngga ang kanyang sasakyan ng nasabing drayber.
Kwento niya sa caption, “I got into an acc!dent on my way going to help the old “basahan” vendor in Pasig that got viral on facebook. (I decided to come and help him myself after watching it, thanks to those who kept on tagging me on his video. )”
Nagsilbing isang magandang ehemplo si Basel sa lahat ng mga motorista na nakaka-engkwentro ng aks!dente sa daan.
Imbes kasi na pairalin ang init ng ulo ay ‘chill’ lamang si Basel sa pakikipag-usap sa drayber na nak@bangga sa kanyang sasakyan.
Hindi na rin ini-report o pinagbayad ni Basel ang drayber na nakagasgas sa kanyang sasakyan at pinatawad nalang niya ito.
Paglalahad pa ni Basel, “priceless” umano ang reaksyon ng nasabing drayber matapos niyang sabihin ang mga katagang, “I will just forgive you,okay? No need police report or paying anything”.
Ipinost din ni Basel ang selfie picture nila ng nasabing drayber kalakip ng isang makabuluhang caption.
Aniya sa caption, “To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness. Selfie ng binangga at nakabangga very rare moment #SanaOilChill ”
Binigyan diin din ni Basel na ang pagpapatawad ay tulad ng pananampalataya na kailangan nating patuloy na buhayin.
Ani Basel, “Forgiveness is like faith. You have to keep reviving it. Forgiveness isn’t approving of what happened.”
Dagdag niya, “Be the one who has an understanding and a forgiving heart, one who looks for the best in people. Leave people better than you found them.”
Taong 2013 nang pumunta sa Pilipinas si Basel at sa edad na 18-anyos ay nag-aral ng kursong Computer Engineering sa University of Perpetual Help.
Pagkatapos magtapos sa kanyang kurso sa kolehiyo ay nagtayo ng kanyang sarili negosyo si Basel sa Las Piñas City.
Noong 2016 naman ng simulan ni Basel ang kanyang YouTube channel na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 3.5 million subscribers.
The post YouTube vlogger na si Basel Manadi, hinangaan matapos patawarin ang drayber na nakab@ngga sa kanyang sasakyan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments