Sunod sunod ang mga major life events na nangyayari sa buhay ni Pauleen Luna at sa kaniyang pamilya at ngayon naman ay napansin ng mga netizens ang pagbabago ng appearance ni Pauleen dahil siya ay may bagong hair style.
Napansin ito ng mga netizens sa isang Instagram post ni Pauleen na naglalaman ng litrato nila ng kaniyang anak na si Tali.
Sa nasabing litrato ay makikita na ang dating mahabang buhok ni Pauleen ay ngayon ay napaka iksi na at ang style na ito ay ang tinatawag nilang short bob cvt.
Patok na patok sa mga netizens ang bagong hair style ng host at marami pang nagsasabi na bumata umano lalo ang itsura ni Pauleen dahil sa kaniyang gupit.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Love the haircut. You look younger and more beautiful! Simple without make up – that is indeed authentic beauty” “Bumata k lalo s new hair style mo ms poleng” “Super super super love your hair!!!!!”
Marami ring mga sikat na tao sa larangan ng showbiz ang hindi pinalampas ang hair transformation ni Pauleen at sila ay todo ang papuri sa hairstyle ng host dahil bagay na bagay nga naman ito sa kaniya.
Narito ang mga artistang nagandahan at nagbigay ng suporta sa hairstyle ni Pauleen. Kabilang sa mga ito sina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan, LJ Reyes, Nikki Gil, Yasmien Kurdi at Rr Enrique.
Halata namang blooming at masaya si Pauleen ngayon. Maraming mga mga nangyari sa buhay ni Pauleen sa mga nakaraang buwan tulad na lamang ng kanilang anibersaryo ng kaniyang asawa na si Bossing Vic Sotto, kaarawan ng kanilang napaka bibong anak na si Tali, at ang kaniyang kaarawan din.
View this post on Instagram
Sunod-sunod nga naman ang mga blessings na dumadagsa sa buhay ng host kaya naman makikita sa kaniya kung na masaya siya. Maraming mga netizens ang todo suporta at ang pagsubaybay sa kanilang pamilya.
The post Pauleen Luna-Sotto, pinakita ang kanyang bagong hairstyle na bagay na bagay talaga sa kanya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments