Ellen Adarna, nagulat at natawa sa anak na si Elias matapos sabihin na si Papa P daw ang kanyang ama

“Ginoo ko”

Credit: @maria.elena.adarna Instagram   

Ito ang nasambit ng s3xy actress na si Ellen Adarna matapos niyang marinig ang sagot ng kanyang cute at napakagwapong anak na si Elias Modesto nang tanungin niya ito kung sino at ano ang pangalan ng kanyang ama.

Sa kanyang Instagram story, mapapanood si Ellen na tinatanong si Elias Modesto ng, “Who’s your papa?”

Magkahalong gulat at tuwa naman ang naramdaman ni Ellen matapos sabihin ni Elias Modesto na si “Papa P” ang kanyang ama.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Nagbiro pa si Ellen tungkol sa tunay na ama ni Elias Modesto na si TV actor John Lloyd Cruz.

“Hala. John Lloyd left the group chat,” biro ni Ellen matapos sabihin ni Elias na si Papa P ang kanyang ama.

Sa sumunod naman na Instagram story ni Ellen ay maririnig siyang tinatanong muli ang kanyang anak kung ano ang pangalan ng kanyang ama.

Ani Ellen, “What’s your papa’s name?”

Walang pag-aalinlangan na sagot naman ni Elias, “Piolo”.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Natawa naman si Ellen sa kakulitan ng kanyang anak. Paulit-ulit naman na sinasabi ni Ellen kay Elias Modesto na hindi si Piolo ang kanyang ama.

Saad ni Ellen, “Your papa’s name is not Piolo uy. Your papa is not Piolo.”

Sa kanyang caption ay naka-tag naman ang Instagram account ng aktor na si Piolo Pascual.

Sulat ni Ellen sa caption, “Ginoo ko lol. Hala papa p!!! Ikaw daw ang ama loool @piolo_pascual”

Tila naliwanagan naman ang netizens nang ibahagi ni Ellen ang isang video clip kung saan makikita ang alaga nilang aso na pinangalanan pala nilang “Papa P”.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Ayon kay Ellen, ang Papa P na tinutukoy ni Elias Modesto ay ang kanilang alagang aso.

Kinaaliwan naman ng maraming netizens ang napakabibong anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Samantala, nitong June lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-2 taong kaarawan si Elias Modesto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Sa ngayon, pokus muna si Ellen sa pagpapalaki sa kanyang anak at kahit hiwalay na sila ni John Lloyd ay magkasabay pa rin nila itong pinapalaki sa pamamagitan ng co-parenting setup.

The post Ellen Adarna, nagulat at natawa sa anak na si Elias matapos sabihin na si Papa P daw ang kanyang ama appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments