Kahit sa paglipas ng panahon ay hindi parin nawawala ang angking kagandahan ng sikat na aktres na si Jackie Forster. Sa kaniyang mga post sa kaniyang Instagram account ay labis na namamangha ang mga netizens dahil batang-bata parin ang itsura ni Jackie.
Kahit na siya ay 42 taong gulang na ay walang bakas ng ‘aging’ si Jackie.
May limang anak na si Jackie at kabilang na dito ang sikat na magkapatid sa larangan ng showbiz at basketball na sina Kobe at Andre Paras na anak niya kay Benjie Paras.
Sa kaniyang asawa na si Michel Franken naman ay may tatlo siyang anak at ito ay sina Yohan, Jared, at Caleigh.
Nagkaroon man ng mga anak si Jackie ay hindi parin nakakaapekto sa kaniya ang mga stretch marks at cellulites tulad na lamang sa kaniyang post sa kaniyang Instagram account na may suot na swimwear ay nilagyan niya ito ng caption na “I’m not fat, I’m chunky” bago pa man siya pagpyestahan ng mga b@shers sa Social Media.
Sa isang Instagram post ni Jackie na may caption na “2020 and 1999 21 years in between the two photos and me at 21 years old!? kuya @andreparas is still makulit and mama is still siksi #21” ay makikita sa litrato na nirecreate nila ng kaniyang anak na si Andre Paras ang litrato nila noong 1999.
Kung ipaghahambing mo ang dalawang litrato na may 21 na taon ang agwat ay tila ba walang naging pagbabago sa mukha ni Jackie dahil mukhang hindi naman siya tumanta. Sa tutuusin ay tila ba’y mas bata pang tignan ang litrato niya ngayon 2020.
Napaka saya na umano ni Jackie at hindi na nakakaapekto sa kaniya ang mga sinasabi ng ibang tao dahil alam niyang wala namang dapat ikabahala sa mga kometo ng ibang tao dahil alam niya sa sarili niya na nabubuhay siya ng masaya.
Napupuno ng acceptance at body positivity si Jackie at ito ay hinangaan ng mga netizens.
The post Jackie Forster, pinaw0w ang mga netizens dahil napakaganda parin kahit sa edad na 42 appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments